Sam hindi na mukhang fresh!
Kailan lang ay may nasulat akong isang bagong Muhlach na pumasok ng showbiz. Magaling itong sumayaw at miyembro ng isang popular dance group. Siya si Adrian Justin o AJ Muhlach, kapatid sa ama nina Aga at Almira, pinsan ni Niño at pamangkin ni Amalia. Regular itong napapanood sa Party Pilipinas ng GMA 7 at I Love You Sabado ng TV5.
Sa launching ng Ever Bilena nakilala ko naman si Micaela Alyssa Alvarez, isa pa ring Muhlach sa mother side niya. Anak siya ng artista ring si Almira Muhlach at ng basketbolistang si Bong Alvarez. Panganay siya sa tatlong magkakapatid na puro babae at 14 na taong gulang na siya.
Isang endorser si Yssa ng isa sa mga product ng Ever Bilena, ang Careline Tweeny na isang body spray para sa mga bagets o tweeners.
Hindi mo aakalaing nagdadalaga pa lamang si Yssa dahil nagmana siya ng taas sa kanyang ama sa sukat na 5’5” at isang acoustic singer.
Bukod sa tumutugtog siya ng gitara na tatlong taon niyang pinag-aralan nang walang nagtuturo sa kanya na napaka-atraktib sa isang babae ay kumakanta pa rin siya.
Marunong din siyang mag-accordion at kasalukuyan siyang nag-aaral ng piano. Nakagawa na siya ng kanyang debut album sa Viva na siya ring nagma-manage ng kanyang career.
Present sa kanyang launching sa Ever Bilena, na kung saan ay nagparinig siya ng dalawang awitin na siya rin ang sumaliw sa gitara, ang kanyang mommy Almira, daddy Bong, Lolo Cheng at tito AJ.
Singing muna ang uunahin ni Yssa, saka na ang pag-arte, kapag nakatapos na siya ng kanyang studies, kahit high school man lamang. Ganito rin ang gusto ng kanyang tito Aga para sa kanya.
Sinabi ni Yssa na kinikilig siya kay Enchong Dee. “His smile brightens my day,” sabi niya.
* * *
Isa ako sa nagtataka kung bakit hindi nakasama sa sisimulang serye ng ABS-CBN na Idol ang guwapo at magaling ding kumantang si Sam Concepcion. Pero ipinaliwanag niya at sinabing naintindihan na pawang mga fresh faces ang kinuha para sa show. Baka nga magmukha siyang matanda kung isasama siya sa kanila dahil four years na rin siyang nag-aartista at hindi na siya mukhang fresh.
Pamilya din ng Ever Bilena si Sam, endorser ng Blackwater Jr., isang body spray para sa mga kabataang lalaki naman.
Seventeen years old siya at nagbabalak mag-work out hindi para magpalaki ng katawan but to stay fit. Ipinaliwanag niyang hindi siya payat. “Malakas lang ang metabolism ko at small ang bones ko”, sabi niya.
Simula nung manalo siya sa Little Big Star ay wala siyang matandaang panahon na hindi siya busy. “I was always doing something. I was always given a lot of opportunities. Masipag ang mga managers ko (he’s co-managed by Star Magic),” sabi ng stage actor/recording artist/TV actor na nagsabing ang mga dream leading ladies niya ay sina Cristine Reyes at Anne Curtis.
* * *
Kundi lang show pa rin ni Kris Aquino ang ipapalit sa nababalitang mawawalang Pilipinas Win na Win, isa sanang malaking dagok sa presidential sister ang gagawing pagtsugi sa PWW kung totoo nga ang balita.
Lahat ng mga shows niya sa ABS-CBN ay naging matagumpay, maliban na lang sa PWW na ayon sa marami ay talagang mahihirapang umahon dahil lubhang napakarami ng hosts ng nasabing show, kasama na si Robin Padilla at kailangang lahat sila ay bigyan ng kanilang moment which takes the spotlight from Kris.
With Deal or No Deal, Kris will once more take the sole responsibility of making or breaking the show. Kapag pumalpak pa siya rito, talagang kasalanan na niya.
Let us just hope na makuha niyang muli ang tiwala ng mga manonood sa paghu-host ng isang game show.
- Latest