Richard ayaw muna uling ma-in love!

Si Dingdong Dantes ang pinakabagong cele­brity endorser ng Asia Yaosho, isang convenience store sa Japan na nagbebenta ng mga Filipino pro­ducts. Ito bale ang magsisilbing first endorsement ng boy­friend ni Marian Rivera sa labas ng Pilipi­nas. Bukod sa print ads, magkakaroon din si Ding­dong ng TV com­­mercial na sa Japan din mapa­panood. 

Dumating pa mismo galing Japan ang big boss ng Asia Yaosho na si Masaki Sato para personal na makita at makilala ang Pinoy heartthrob at im­pressed ito sa binata.

Masaya si Dingdong sa kanyang bagong en­dorse­ment dahil alam niyang mga kababayan natin sa Japan ang kanyang mapapaligaya. Mata­gal-tagal na ring panahong hindi siya nakakabisita ng Japan pero sa tuwing may imbitasyon sa kanya para sa promos­yon ng GMA Pinoy TV na hawak ng Access TV sa nasabing bansa, hindi siya available.

Pero looking forward pa rin si Dingdong na isa sa mga araw na ito ay muli siyang babalik ng Japan at mas masaya siya kung makakasama niya ang kanyang girlfriend na si Marian.

* * *

Ang pamosong beauty expert na si Ricky Re­yes lamang ang siyang nakaisip na kuning mode­lo ng ka­­gan­dahan ang tatlong beteranang perso­nalidad sa industriya na sina Gloria Romero, Bar­bara Perez at Asia’s Queen of Songs na si Pilita Corrales na image models ng Ganda ng Lola Mo campaign. 

Sina Gloria, Barbara at Pilita ang magsisilbing mo­delo na wala sa edad ang pananatiling magan­da at young-looking kundi nasa may katawan na rin at pagiging palaayos.

Although si Gloria ang kauna-unahang modelo ng Ganda ng Lola Mo ng Ricky Reyes Salon, mina­buti ng beauty czar na idagdag sina Barbara at Pili­ta dahil na rin sa kanilang magandang panga­ngalaga sa kanilang mga sarili at imahe, at sila ang mga katuwang ng impresaryo ng kagandahan para matulungan ang Ricky Reyes Foundation na tumutulong sa mga senior citizens na kanyang naging adbokasiya simula pa nung taong 2003.

* * *

May ilang taon ding tumagal ang relasyon nina Richard Gutierrez at Jewel Mische pero tulad ng mga naunang karelasyon ng nakababatang ka­patid ni Ruffa Gutierrez, sa hiwalayan din ito na­punta. Ayaw nang mag-elaborate ni Richard sa nang­yaring hiwalayan nila ni Jewel at gusto niyang sa ngayon ay mag-focus muna sa kanyang trabaho.

Masayang-masaya si Richard sa ma­gandang ratings ng Survivor Philip­pines: Celebrity Show­down na siyang reward para sa kanya at sa mga castaways na talagang nagdusa sa isang isla sa Thailand sa loob ng mahigit isang buwan. Kung hin­di makakalimutan ng mga celebrity castaways ang naging experience nila sa Survivor Philippines, ganun ang paki­ramdam ni Richard na ma­raming natu­tunan at na-realize habang sila’y “naka­kulong” sa isla, minus the comfort at ame­nities na kanilang nakasanayan.

Nagpapasalamat si Richard sa pamunuan ng GMA 7 na sa kanya ipinagkatiwala ang paghu-host ng reality show matapos itong iwan ni Paolo Bediones na lumipat sa TV5.

Although matagal-tagal pa ang itatakbo ng show sa ere, personal bet namin na isa kina Jon Hall at Elma Muros ang magwawagi.

Show comments