MANILA, Philippines - Ang kolumnista, realty entrepreneur, college instructor, at S Magazine editor-in-chief na si Wilson Lee Flores ay kinuhang keynote speaker para sa 14th National Convention of the Drugstores Association of the Philippines (DSAP) na gaganapin ngayon, Sept. 4 sa Taal Vista Hotel sa Tagaytay City.
Ang Catholic Mass Media at Palanca awardee na si Wilson ay magiging tagapagsalita sa humigit kumulang 5,000 members ng DSAP para sa paksa na Gear Up! Seize New Opportunities. Ang mga national officers ng DSAP ay pinangungunahan nina Josephine P. Inocencio (chairman), Florecita F. Intal (president), Dr. Alan A. Kintanar (VP-Internal), Angelito Q. Inton (VP-External), Ma. Isabel A. Ochoa (secretary), Vilma S. Cordova (treasurer), Herlinda Aquino (auditor), at Ferose M. Moleta (PRO).