Heart at Jericho nagpupurihan pa kahit wala nang pakialaman

Nag-“thank you” si Je­richo Rosales sa ipina­rating naming sina­bi ni Heart Evan­gelista na ma­bait siya noong on pa sila. “Mabait din siya paki­sabi,” dag­dag pa ng ak­tor. Hanggang hatiran na lang ng bati ang mag-ex dahil may kanya-kanya na silang buhay.

Si Jericho ay happy sa relationship niya kay Ces­ca Litton at si Heart ay ma­saya rin sa malapit nang maging relasyon kay Da­niel Ma­tsunaga. Nagulat lang si Jericho sa narinig na sa isang Brapanese nali-link si Heart at inulit pang ita­nong ang name ni Daniel.

Ayaw pa ring sabihin ni Jeri­cho kung ilang months na ang re­lasyon nila ni Cesca, pero sa mahabang description niya sa GF na laging may “very” sa simu­la, obvious na mahal, masa­ya, nire­­respeto at proud siya sa da­laga.

“Nag-start siya as sports­­caster, kaya nani­ni­­­bago pa rin ako when I see her in SNN or E-Live. Hindi ako sanay ’pag pina­panood ko siya dahil mas sanay akong hard journalism ang nire-report niya. Natulala nga ako nang interbyuhin siya ng isang French TV during the hostage crisis. Nasa labas kami noon at biglaan ang inter­view. Nilabas ko ca­mera ko at kinunan ko siya, I’m very proud of her,” kuwento ni Jericho.

* * *

Nakita namin si Direk Rico Gutierrez sa press­con ng Cosmopolitan mag September issue at Cos­mo Bash na kanyang ididirek sa Sept. 9 sa World Trade Center. Kapuso at Kapamilya talents ang mga rarampa and for sure, kahit taga-GMA 7 siya, equal exposure ang ibibigay niya sa mga ra­rampa.

Nangako si Direk Rico ng isang “wet and wild” night pero aminadong pressured dahil 10th year anniversary din ng Cosmo Bash. “I like women to be in control. We want you to smell and touch them (men),” wika nito na pinalakpakan ng mga girlash sa presscon.

Inalam pala namin kay Direk Rico kung isa siya sa magdidirek ng Agimat ni Enteng, ang entry ng six film companies sa 2010 Metro Manila Film Festival (MMFF) at negative ang sagot nito. 

Sinimulan na ring paghandaan at asikasuhin ng director ang RAN, ang 2011 entry ng GMA Films sa MMFF na pagbibidahan ni Richard Gu­tierrez.

* * *

Matutuwa ang gustong manood ng taping ng Face to Face, ang live presentation ng PO5, Star Fac­tor, at pati siguro Paparazzi dahil ililipat ng TV5 ang taping at live show sa Broadway Centrum. Ni-rent nila nang pang-matagalang panahon ang studio na dating ginagamit ng GMA 7 para mas malapit sa lahat at this month na mangyayari ang lipatan.

Inaayos na rin ang studio ng TV5 sa Pioneer, Mandaluyong na inokupa ng Smart at PLDT. May six studios ito na pawang malalaki at ’pag ope­rational na, hindi na sila magre-rent ng mga venues for their shows.

Samantala, magpa-pilot sa Sept. 9, 8:00-9:00 p.m., ang docu-drama na Untold Stories mula sa Face to Face hosted pa rin ni Amy Perez.

Ang Paano Hahatiin ang Gabi sa direction ni Argel Joseph ang starting episode at bida sina Dina Bonnevie, Jay Manalo, Carlo Aquino, at Glydel Mercado.

Other episodes to watch ay ang Ina ng Laging Pa­sakit at Gaano Man Kapait ang Kahapon.

* * *

Sari-saring balita ang hatid ng Startalk this Sa­tur­day at kabilang dito ang battle ni Buboy Villar sa dengue at ang pagbisita sa kanya ni Marian Rive­ra. May report din kay Krista Ranillo na four months pregnant.

May report din sa pagpunta ni Regine Velas­quez sa States together with Dr. Vicki Belo para magpagawa ng wedding gown kay Monique Lhuillier.

May interview din kay Richard Gutierrez at mala­laman ninyo kung magsasalita siya sa break-up nila ni Jewel Mische. Hihimayin din ang isyu sa cast ng Endless Love.

Show comments