Samahan nina Ted at Korina binuwag na!

MANILA, Philippines - Sa pamamagitan ng mga patok na progra­ma, ma­la­wakang cove­rage sa pinakamalaking mga isyu at balita, at ser­­bisyo publikong wa­lang katulad, nangu­na muli ang DZMM sa mga tagapakinig sa radyo at manonood sa cable sa bansa.

Panalo ang DZMM Radyo Patrol 630 sa 2010 Nielsen Mega Ma­nila RAM nitong Hun­yo kung saan naka­kuha ito ng 29 porsiyen­to na audience share kum­­para sa 22 porsi­yento ng DZBB at 20 porsi­yento ng DZRH.

Wagi rin ang DZMM TeleRadyo sa survey ng Kantar Media-TNS sa Mega Manila noong Hulyo kung saan dinaig nito ang mga batikan at foreign cable news chan­nels tulad ng CNN, BBC at CNBC

Umaasa ang DZMM na maipagpatuloy ang winning streak nito sa pamamagitan ng pagkamit sa People’s Choice Award for Best AM Station sa nalalapit na KBP Golden Dove Awards. Para iboto ang DZMM, i-text lang ang GDOV <space> MLA <space> AM2 at ipadala sa 2948.

Ayon kay ABS-CBN Manila Radio Division Head Peter Musngi, patuloy pang pag-iibayuhin ng DZMM ang paghahatid ng serbisyo sa mga Pilipino sa buong mundo sa pamamagitan ng mga programa tulad ng Tambalang Failon at Webb nina Ted Failon at Pinky Webb.

“I have deep respect for Ted as a broadcast jour­nalist. It’s an honor to be working with him and working in a show that people really trust and believe in,” ani Webb.

Samantala, malakas naman ang paniniwala ni Failon na lalong pagtitibayin ng tambalan nila ni Webb ang programa sa pagtugon sa iba’t ibang mga pa­ngangailangan ng kanilang mga tagapakinig at ta­gapanood.

“You cannot provide too much entertainment, too much news, too much of everything. Balansyado dapat,” ani Failon.

Isa pang hit tandem sa DZMM ay ang tambalan nina Lynda Jumilla at Alvin Elchico ng bagong programang S.R.O.” (Suhestiyon, Reaksyon, Opinyon) na umeere tuwing gabi.

Bukod sa pagkakataong ipaalam sa nakararami ang kanilang opinyon sa mga isyung hinaharap ng bayan, isa pang inaabangan ng mga masugid na tagapakinig ng programa ay ang mga triviang binibi­tiwan ng dalawang beteranong reporter tungkol sa iba’t ibang pangyayari sa mundo ng lokal na pulitika.

Abangan ang Tambalang Failon at Webb tuwing 8:30 ng umaga mula Lunes hang­gang Biyernes at ang S.R.O. tuwing 7:45 ng gabi sa Radyo Patrol 630, www.dzmm.com.ph o DZMM TeleRadyo.. 

Teka ibig sabihin ba nito, tuluyan nang hindi babalik sa DZMM si Ms. Korina Sanchez?

Matagal din ginamit ang Tambalang Failon at Sanchez kahit wala na noon si Korina sa ere at si Pin­ky na ang katambal ni Ted. Kelan nga kaya babalik sa ere si Korina?

O baka naman sa ibang istasyon na siya maririnig at mapapanood?

Abangan!

* * *

Narito na at ipinakikilala ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang mga nagwagi sa Nationwide Essay Writing Contest para sa musical film na Emir, na tumakbo noong June 1 hanggang July 25.

Ang Emir ang pinakamalaking orihinal na Filipino musical na ginawa para sa big screen at ito ang official selection para sa kumpetisyon sa Cairo International Film Festival at nakatakdang ipalabas sa Window on Asian Cinema section ng 15th Pusan International Film Festival sa Oktubre.

Ang mga napiling lumahok:

COLLEGE:

1st Place (P30,000) Rose T. Sagun, U.P. Diliman

2nd Place (P20,000) Rachel Vergara, Ateneo de Manila University

3rd Place (P15,000) Joaquin Carlos U. De Jesus, Ateneo de Manila University

HIGH SCHOOL:

1st Place (P20,000) – Monique L. Maglaqui, STC High School

2nd Place (P15,000) Anne Gellyn R. Cruz, ERDA Technical & Vocational Secondary School

3rd Place (P10,000) – Ma. Bettina Elly C. Avecilla, St. Paul College, Makati

GRADE SCHOOL:

1st Place – (P15,000) Anton Ralph S. Ca­balza, Ateneo de Manila Grade School

2nd Place – (P10,000) – Patricia Nicole Be­lencion, Nicanor Garcia Sr. Elementary School

3rd Place – (P5,000) – Eunice Keziah F. Caluya, Nicanor Garcia Sr. Elementary School

Maaari nang makuha ang premyo sa FDCP office sa 20/F The Cen­terpoint Bldg., Julia Var­gas Ave. cor. Garnet Road, Ortigas Center, Pasig City. 

Tumawag sa (+632) 484-9864 kung may katanungan.

Show comments