Samahan nina Ted at Korina binuwag na!
MANILA, Philippines - Sa pamamagitan ng mga patok na programa, malawakang coverage sa pinakamalaking mga isyu at balita, at serbisyo publikong walang katulad, nanguna muli ang DZMM sa mga tagapakinig sa radyo at manonood sa cable sa bansa.
Panalo ang DZMM Radyo Patrol 630 sa 2010 Nielsen Mega Manila RAM nitong Hunyo kung saan nakakuha ito ng 29 porsiyento na audience share kumpara sa 22 porsiyento ng DZBB at 20 porsiyento ng DZRH.
Wagi rin ang DZMM TeleRadyo sa survey ng Kantar Media-TNS sa Mega Manila noong Hulyo kung saan dinaig nito ang mga batikan at foreign cable news channels tulad ng CNN, BBC at CNBC.
Umaasa ang DZMM na maipagpatuloy ang winning streak nito sa pamamagitan ng pagkamit sa People’s Choice Award for Best AM Station sa nalalapit na KBP Golden Dove Awards. Para iboto ang DZMM, i-text lang ang GDOV <space> MLA <space> AM2 at ipadala sa 2948.
Ayon kay ABS-CBN Manila Radio Division Head Peter Musngi, patuloy pang pag-iibayuhin ng DZMM ang paghahatid ng serbisyo sa mga Pilipino sa buong mundo sa pamamagitan ng mga programa tulad ng Tambalang Failon at Webb nina Ted Failon at Pinky Webb.
“I have deep respect for Ted as a broadcast journalist. It’s an honor to be working with him and working in a show that people really trust and believe in,” ani Webb.
Samantala, malakas naman ang paniniwala ni Failon na lalong pagtitibayin ng tambalan nila ni Webb ang programa sa pagtugon sa iba’t ibang mga pangangailangan ng kanilang mga tagapakinig at tagapanood.
“You cannot provide too much entertainment, too much news, too much of everything. Balansyado dapat,” ani Failon.
Isa pang hit tandem sa DZMM ay ang tambalan nina Lynda Jumilla at Alvin Elchico ng bagong programang S.R.O.” (Suhestiyon, Reaksyon, Opinyon) na umeere tuwing gabi.
Bukod sa pagkakataong ipaalam sa nakararami ang kanilang opinyon sa mga isyung hinaharap ng bayan, isa pang inaabangan ng mga masugid na tagapakinig ng programa ay ang mga triviang binibitiwan ng dalawang beteranong reporter tungkol sa iba’t ibang pangyayari sa mundo ng lokal na pulitika.
Abangan ang Tambalang Failon at Webb tuwing 8:30 ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes at ang S.R.O. tuwing 7:45 ng gabi sa Radyo Patrol 630, www.dzmm.com.ph o DZMM TeleRadyo..
Teka ibig sabihin ba nito, tuluyan nang hindi babalik sa DZMM si Ms. Korina Sanchez?
Matagal din ginamit ang Tambalang Failon at Sanchez kahit wala na noon si Korina sa ere at si Pinky na ang katambal ni Ted. Kelan nga kaya babalik sa ere si Korina?
O baka naman sa ibang istasyon na siya maririnig at mapapanood?
Abangan!
* * *
Narito na at ipinakikilala ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang mga nagwagi sa Nationwide Essay Writing Contest para sa musical film na Emir, na tumakbo noong June 1 hanggang July 25.
Ang Emir ang pinakamalaking orihinal na Filipino musical na ginawa para sa big screen at ito ang official selection para sa kumpetisyon sa Cairo International Film Festival at nakatakdang ipalabas sa Window on Asian Cinema section ng 15th Pusan International Film Festival sa Oktubre.
Ang mga napiling lumahok:
COLLEGE:
1st Place (P30,000) – Rose T. Sagun, U.P. Diliman
2nd Place (P20,000) – Rachel Vergara, Ateneo de Manila University
3rd Place – (P15,000) – Joaquin Carlos U. De Jesus, Ateneo de Manila University
HIGH SCHOOL:
1st Place (P20,000) – Monique L. Maglaqui, STC High School
2nd Place (P15,000) – Anne Gellyn R. Cruz, ERDA Technical & Vocational Secondary School
3rd Place (P10,000) – Ma. Bettina Elly C. Avecilla, St. Paul College, Makati
GRADE SCHOOL:
1st Place – (P15,000) – Anton Ralph S. Cabalza, Ateneo de Manila Grade School
2nd Place – (P10,000) – Patricia Nicole Belencion, Nicanor Garcia Sr. Elementary School
3rd Place – (P5,000) – Eunice Keziah F. Caluya, Nicanor Garcia Sr. Elementary School
Maaari nang makuha ang premyo sa FDCP office sa 20/F The Centerpoint Bldg., Julia Vargas Ave. cor. Garnet Road, Ortigas Center, Pasig City.
Tumawag sa (+632) 484-9864 kung may katanungan.
- Latest