Juday ayaw magpa-inject ng anesthesia, titiisin ang sakit sa panganganak
Sa launching niya bilang bagong endorser ng Enervon Multivitamins unang in-announce ni Ryan Agoncillo ang name ng baby boy nila ni Judy Ann Santos na malapit nang isilang. Nadulas ang TV-host-actor nang banggitin ang name at narinig ‘yun ni Nelson Canlas ng GMA Network, kaya hindi na tinigilan si Ryan.
Tinawagan muna ni Ryan sa cellphone si Judy Ann para ipaalam na ia-announce na niya sa press ang name ng baby boy nilang si Juan Luis at may palayaw na Lucho na ang ibig sabihin sa Spanish ay “little fighter.”
“Ang full name ni Yohan ay Yohan Louise, ang real name ko ay Christopher Lou and my dad’s name is Luis Vincent, kaya malapit sa names namin ang Juan Luis. Nag-decide kaming old name na madali lang sa bata,” sabi ni Ryan.
Ikinuwento rin ni Ryan na bilang paghahanda sa malapit na pagsisilang ni Judy Ann, may breastfeeding class na ito at next week nama’y ang birthing class na pareho nilang dadaluhan. May yoga, pre-natal massage na rin ang aktres at nagwu-walking sa village nila.
May experience na rin si Ryan sa caesarian delivery nang manood ng panganganak bilang paghahanda sa movie sana nila ni Judy Ann. Pinayagan siyang pumasok sa delivery room ng St. Luke’s at ipinagmalaking hindi siya hinimatay.
“In two weeks time, complete na ang nursery room na project ni Juday at finishing na lang at tapos na siya. Ayaw mag-take ni Juday ng epidural dahil baka makaapekto sa baby. “Hindi namin alam kung magla-Lamaze kami,” sabi ni Ryan.
Sabi pala ni Ryan, bagay na bagay sa kanya ang Enervon Multivitamins dahil sa sunud-sunod na trabaho at sasabak siya sa puyatan ‘pag lumabas na si Lucho. Agree rin siya sa tagline nitong “more energy, mas happy.”
Gawa ng Unilab ang Enervon.
* * *
Umalis noong Wednesday si Heart Evangelista for a two-week US vacation with her family. Kaya inunang kunan ang mga eksena niya sa Langit Sa Piling Mo dahil sa bakasyon na ayaw na raw sana niyang samahan, kaya lang, first time na magba-bonding ang family niya for a long time. Sagot ng ama ng aktres ang bakasyon nilang mag-anak.
Hula namin, malaki ang kinalaman ni Daniel Matsunaga sa muntik nang hindi pagsama ni Heart sa bakasyon with her family. Sa last tweet nito bago umalis, ang nakalagay ay “Yes, we are dating! It’s nice, he’s very nice” na sure kaming si Daniel ang tinutukoy dahil ‘pag nai-interview tungkol sa Brapanese hunk, madalas, “very nice” ang description na sinasabi nito.
Nahuli rin ni Dinno Erece na sa isang eksena sa Langit…, katabi ni Heart si Mark Herras, pero kay Daniel nakikipag-eye contact at pareho silang nakangiti. Ay, it must be love!
Ang ganda rin ng ngiti ni Heart nang sabihin ng press na kung magiging sila ni Daniel, they will make a lovely and gorgeous couple.
Bakit nga hindi sila pagtambalin sa next soap ng GMA 7?
Samantala, ilang linggo nang walang number ang Glam Girls sa Party Pilipinas, true bang buwag na ang grupong ito?
“Wala pang sinabi sa amin kung buwag na ang grupo, hindi ko na rin alam minsan kung sino ang Glam Girls dahil ‘pag may hindi nakakarating sa rehearsal, pinapalitan. Two weeks nang kami lang ni Lovi (Poe) ang may number,” sabi ni Heart.
- Latest