^

PSN Showbiz

Sam Pinto pipirma na ng kontrata sa GMA 7

-

MANILA, Philippines - Walang masyadong intriga ngayon sa showbiz.

Ang dapat lumaking issue na talakan nina Annabelle Rama at Angeli Pangilinan ay hindi na lumaki pa dahil wala nang gustong magsalita.

Maging ang muntik nang magkainitang sina Dingdong Dantes at Bayani Agbayani ay naudlot na rin.

Si Marian Rivera ang dahilan ng lahat na ayaw din namang mag-comment.

Kaya ‘wag na tayong umasa na lalaki pa ang mga nasabing kuwento.

Kaya dusa sa showbiz, walang masyadong intriga.

Hindi naman masyadong malaki ang issue na pipirma ng kontrata sa GMA 7 si Sam Pinto.

Yup, pipirma na siya ng exclusive contract sa Kapuso Network at siya na raw ang magiging leading lady ni Richard Gutierrez sa Captain Barbell.

Meaning hindi na si Jewel Mische na naunang napabalitang magiging partner ni Richard sa nasabing serye na malapit nang simulan?

Abangan.

* * *

Matagumpay na idinaos ng Ricky Reyes Foundation ang Paper Roses noong Agosto 26 na isang parangal para sa mga Lolo at Lola o mga senior citizen na ginanap sa Sta. Lucia East Grand Mall Phase 3 sa Cainta, Rizal.

Ang blow by blow account nito’y mapapanood ngayong Linggo alas-diyes ng umaga sa Q Channel 11 sa celebrity talk show na Life and Style with Ricky Reyes.

Sa isang masayang programang ang emcee ay si Arnell Ignacio ay ipinakilala ni Mader Ricky ang tatlong walang kupas na artistang sina Gloria Romero, Barbara Perez at Pilita Corrales na endorser ngayon ng Ganda Ng Lola Mo Campaign.

Naging panauhin din ang comedy duo Pork & Beans, Pablo Trinidad na nagdemo ng Laughter Yoga, Regine Rolentino (dance exercise) at Dr. Lydia Buendia (bone and muscle exercise). Naroon din ang celebrity mom na si Mommy Caring Seguerra.

Nagkaroon ng libreng medical check up, make over, salamin, gamot at vitamins. Ang mga nagwagi sa iba-ibang contest ay sina Ver Damayan (Videoke King), Azucena Narso (Videoke Queen), Mandaluyong Dance Group (Group Dance Competition), Pat Salva (Guwapong Lolo) at Isabelita Dee (Gandang Lola) na nag-uwi ng malalaking premyo, certificate at tropeo. 

vuukle comment

ANGELI PANGILINAN

ANNABELLE RAMA

ARNELL IGNACIO

AZUCENA NARSO

BARBARA PEREZ

BAYANI AGBAYANI

CAPTAIN BARBELL

CARING SEGUERRA

DINGDONG DANTES

GANDA NG LOLA MO CAMPAIGN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with