Original drummer ng The Beatles magko-concert sa 'Pinas

MANILA, Philippines - Tulad nga ng kasabihan, walang makakadaig sa orihinal.  

Matutuwa ang mga Pinoy fans ng The Beatles sa Beatlesfest 2010 (Sept. 11) dahil makikilala’t madidinig ang original drummer ng Fab Four na si Pete Best sa concert nito sa Aliw Theater mula sa Steve O’Neal Productions.

Sasamahan si Pete nina Ely Buendia (Pupil), Rene Garcia (Hotdog), Ramon “RJ” Jacinto of the Riots, at McCoy Fundales (Kenyo). Guest performers naman sina Hotstep Dancer at ang Glass Onion Band.

Naging miyembro ng The Beatles si Pete noong Aug. 12, 1960 matapos na mabuwag ang banda niyang The Black Jacks sa pagkumbinsi ni Paul McCartney. Dalawang taon lamang tu­mugtog ang drummer na kasama sina Paul, George Harrison, at John Lennon dahil napalitan na siya ni Ringgo Star.

Walang nakakaalam ng tunay na dahilan ng pag-alis niya pero may mga lumabas na istorya na si Pete ay isang non-conformist (ayaw sumunod) sa hitsura ng buhok at pananamit ng tatlo sa grupo kapag nasa entablado. Isa pang itinuturong dahilan ay kinai­inggitan diumano siya dahil mas marami siyang female fans.

Pero tuluy-tuloy ang buhay para kay Pete. Nagkaroon siya ng sariling career bilang Civil Servant sa loob ng 20 years at muling nagbalik sa eksena nang ilunsad ang The Pete Best Band. Nakapag-tour sila sa buong mundo at naka­pagla­bas ng maraming albums, ang huli ay ang all-original album na Haymans Green (Sept.16, 2008).

Kasama sa Anthology 1 album si Pete at ilang kanta ang naging kontribusyon niya.

Ang Beatlesfest 2010 ay magiging treat sa lahat ng nagmamahal sa musika ng Fab Four.

* * *

 Isang bulilit ang nangangarap ding pasukin ang mundo ng showbiz tulad ng ibang mga bagets na pinalad na sa telebisyon – sina Zaijian Jaranilla at Jillian Ward.

Ito ay ang anim na taong gulang na Fil-Jap, si Mirai “Meme” E. Shimada, na ipinanganak sa Nagano, Japan. Sa murang edad, nagpapakita na ng kahiligan sa pagkanta, pagsayaw, at panonood ng mga TV shows. Isinali ng mga magulang si Meme sa Teatrong Bulilit, Children’s Theater Education, at Yamaha School of Music para mahasa ang talento at hilig sa pag-entertain sa tao.

Bukod sa pag-aartista, pangarap din ng bata na maging doktor paglaki o hindi kaya’y presidente ng bansa. Nasabi ito ni Meme dahil napanood niya ang mga kaganapan noong eleksiyon hanggang maupo si Pangulong Noynoy Aquino.

At kahit Buddhist ang Daddy Hideo niya at Katoliko naman si Mommy Eleanore, disiplinado at may takot sa Diyos si Meme dahil ganoon siya pinalalaki ng mga magulang kahit magkaiba ang kultura at relihiyon nito.

Kung mabibigyang pansin at papalarin sa TV and movie industry, baka makadiskubre ng isa pang child wonder kay Meme.

* * *

Ang Kingdom of Heaven, isang 2005 film na idinirek ni Ridley Scott, ay mula sa panulat ni William Monahan. Ang mga stars nito ay sina Orlando Bloom, Eva Green, Jeremy Irons, David Thewlis, Marton Csokas, Brendan Gleeson, Kevin McKidd, Alexander Siddig, Ghassan Massoud, Edward Norton, Jon Finch, Michael Sheen, at Liam Neeson.

Ang istorya ay naganap noong panahon ng mga Crusades ng ika-12th Century. Ang isang French village blacksmith ay sasaklolo sa syudad ng Jerusalem sa kanyang depensa laban kay Muslim leader Saladin, na nagnanais na mabawi ang syudad mula sa mga Christians. Ang film script ay isang heavily fictionalized na paglala­rawan kay Balian of Ibelin. Sa isang remote village sa France, si Balian (Orlando), isang blacksmith, ay nagluluksa dahil sa pagpapakamatay kailan lang ng kanyang asawa (Nathalie Cox).

Isang grupo ng Crusaders ang dadating sa kanilang maliit na nayon at isa sa kanila ang lalapit kay Balian at magpapakilala bilang kanyang ama, si Baron Godfrey ng Ibelin (Liam). Si Godfrey ay inaanyayahan si Balian na sumama sa kanya sa Jerusalem. Tumanggi ito hanggang sa lumisan ang mga Crusaders. Pagkatapos, ang pari ng bayan (Michael) na half brother ni Balian, ay isiniwalat na iniutos niya ang pagpugot ng ulo ng asawa ni Balian bago ito ilibing (isang tradisyon noong panahong iyon para sa mga nagpapatiwakal).

Napuna ni Balian na suot ng kanyang kapatid na pari ang crucifix na suot ng kanyang asawa bago ito ilibing. Sa kanyang galit, napatay ni Balian ang kanyang kapatid na pari, binawi niya ang krus at siya ay tumakas na. Sumunod si Balian sa Jerusalem upang hanapin ang kanyang amang si Baron Godfrey sa pag-asang makahanap ng kapatawaran at kaligtasan para sa kanyang asawa at sa kanyang sarili. Matapos niyang matagpuan ang kanyang ama, ang mga sundalong pinamumunuan ng pamangkin ni Baron Godfrey ay nais arestuhin si Balian.

Malapit nang mapanood ang star-studded na Kingdom of Heaven sa SolarTV. 

Show comments