Ruffa sumugod sa ER

Sa dry run lang naman pala ng Asar Talo Pero Laging Panalo ka-join si Bayani Agbayani. Si Edu Manzano daw ang nag-iisang host ng programa at wala raw itong magiging co-host ayon sa isang insider ng GMA 7.

May ilan kasing nag-react nang ma-press release na magiging co-host ni Edu si Bayani.

Ang worry nila, galing sa timeslot na papalitan ng Asar Talo ang komedyante, ang Diz Iz It at hindi siya masyadong kinagat sa programa.

Kaya nang magkaroon kami ng chance na magtanong tungkol dito, sinabi nga ng isang staff ng show na hindi kasama si Bayani.

Hmmm, kung sabagay may punto nga naman ang nag-aapela. Baka malito ang tao kung mapapanood pa rin sa nasabing timeslot si Bayani.

Present daw si Bayani sa dry run ng nasabing programa ni Edu na magsisimula na next week.

Maganda ang plugging ng show at mukhang interesting nga ang format.

* * *

Negang-nega ang tingin ng fans nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa baguhang si Bela Padilla.

Ang rason, ginagamit daw ni Bela ang mag-dyowa para mapansin sa showbiz.

Ang apela ng fans ni Marian, bakit daw ganun ang GMA 7. Matapos paya­gang sumali ang ex niyang si Ervic Vijandre sa Survivor Phiippines : Celebrity Showdown heto naman at pinapayagan daw ng network na magamit si Marian ni Bela.

Dapat daw ay protektahan nila si Marian. Ganun.

Pero ayon naman kay Bela, hindi panggagamit ang nangyayari. Ang feeling niya, nadadamay lang siya sa issue dahil magkakasama sila sa programang Endless Love.

Mabilis ang pagsikat ni Bela kung tutuusin na feeling niya ay hindi naman dahil kay Marian.

Major break niyang mako-consider ang Endless Love where she plays a New York bred ballerina at fiancé ni Johnny (Dingdong Dantes).

“My character in Endless Love really made me grow, both as a person and an actress. She’s a bit complicated, being obsessed with her fiancé but still has to act educated in every way. So when she’s angry and sad, she always has to calculate it, she can’t let it show. That part was confusing to me at first. I didn’t know how to hold so much anger inside, and that’s what Direk Mac (Alejandre) and Direk Andoy (Ranay) helped me with,” sabi ni Bela na kontrabidang-kontrabida talaga ang dating sa fans nina Dingdong and Marian.

Or baka naman kasi kinakarir niya ang nasabing character kaya totoong nagseselos sa kanya si Marian?

Hindi naman daw at malayo ito sa totoong character niya.

After niyang mag-sign ng contract sa GMA Artist Center naging maayos ang takbo ng career ni Bela.

British National pala ang tatay niya at kasalukuyang nagta-trabaho sa Bangkok.

May dugong showbiz si Bela kaya siguradong mas bobongga pa ang career niya.

* * *

Malaking issue ngayon sa Cebu si Gloria Diaz.

Ito ay dahil wala siyang planong mag-apologize sa mga sinabi niya tungkol sa mga Cebuano na hindi raw magaling mag-English at mag-Tagalog - nang makausap siya ni Mario Dumaual sa TV Patrol kamakailan tungkol sa issue ni Venus Raj.

Say niya kasi : “a Cebuana can hardly speak English and Tagalog” kaya kailangan daw gumamit ng interpreter ang mga contestant natin sa susunod.

Kaya naman ang feeling ng mga Cebuano, minamaliit sila at nag-demand ng apology mula sa dating Miss Universe.

Pero nanindigan si Ms. Gloria na hindi siya maga-apologize. “I’m not going to apologize. I already explained it,” sabi ni Ms. Gloria sa The Freeman, ang sister publication ng Ngayon sa Cebu.

Idineklarang persona non grata ng Vice Mayor’s League of the Philippines (VMLP)-Cebu Chapter si Ms. Gloria at marami pang organization doon nagdi-demand ng sorry mula sa dating beauty queen.

* * *

Nasa bansa na sina Dra. Vicki Belo at Regine Velasquez. Nasukatan na ang Songbird ng damit pangkasal ni Monique Lhuillier.

Tweet ni Dra. Belo kagabi : Reg found the perfect wedding gown. Absolutely gorgeous. Monique Lhuillier is the sweetest & nicest. And she’s so famous here in the states.”

Si Dra. Belo ang sagot sa damit ni Regine sa kasal nila ni Ogie Alcasid sa December.

* * *

 “Nabulabog ata the ER w/my entourage: 3 hyper kids & 3 yayas ;) My left eye was diagnosed w/subconjunctival hemorrhage. 5-7 days to clear!” tweet naman ni Ruffa Gutierrez kagabi.

 “Because of my bruised eye I cancelled my plyo work-out. Good thing cuz suddenly its pouring!,” dagdag pa niyang tweet.

Lunes pa lang ng gabi ay halata na ang pamumula ng mata ni Ruffa.

Show comments