Balitang pagkamatay ni Buboy Villar kuryente!

SEEN : Sina Cesar Montano, Phillip Salva­dor, Bayani Agbayani, Mark Gil, at ang Hollywood actor na si Michael Madsen ang ilan sa mga celeb­rities na sumuporta sa fund-raising event para kay Dick Israel, ang character actor na may sakit. Du­malo si Dick at nagpaunlak na kumanta.

SEEN : Taklesa ang mga female hosts ng Unang Hirit dahil sa kanilang pagbubuko sa TV na ang mga pinakamaitim na celebrity castaways ng Survivor Philippines: Celebrity Showdown ang nagtagal sa isla.

SCENE : Kuryente ang balita na namatay sa dengue ang child ac­tor na si Robert “Bu­boy” Villar.

Buhay na buhay si Robert na naka-confine pa rin sa UST Hospital. Hu­wag agad paniwalaan ang mga text messages na kumakalat.

SEEN : Si Bayani Agbayani ang co-host ni Edu Manzano sa Asar Talo, Pero Laging Pa­nalo, ang game show na original concept ng GMA7.

SCENE : Ikinatuwa ng maraming kababaihan ang admission ni Richard Gutierrez na hiwalay na sila ni Jewel Mische.

SEEN : Ang colored nail polish sa mga kuko sa paa ni Ryan Agoncillo dahil sa kanyang im­personator role sa Lady Dada, ang TV mini-series ng TV5 na magsisimula sa Sept. 8.

Show comments