Nagtangkang kumidnap sa tatay ni Sarah nakalabas ng kulungan

Uy mukhang seryosohan na sina Zan­joe Marudo at Cristine Reyes na mga bida ng Martha Cecilia’s Kris­­tine sa ABS-CBN.

Umaamin na raw si Cristine na lalong naging mas malalim na ang re­­lasyon nila ng ex ni Mariel Rod­riguez.

“Ngayon mas nag-uusap na kami. Mas naba­wasan ’yung hiya namin sa isa’t isa, siguro mas lalo na ’pag tu­magal,” sabi ni Cristine.

At mas kilala na raw nila ang isa’t isa at nagkakasundo na pagdating sa tsikahan at kulitan kasama ang staff ng show.

Kuwento naman ni Zanjoe, mas bongga na ang kanilang closeness on and off cam.

“Maganda ang feedback, natawa ang tao. ’Yung Jewel-Jaime kasi ang atake namin cute na makulit at medyo naughty,” paliwanag ni Zanjoe.

Kung sabagay, kakaibang kilig ang dala nina Jewel at Jaime na matapos magkatagpo sa isang bus ay nauwi sa pagpapanggap bilang mag-asawa upang makapasok sa lupain ng mga De Silva.

Hindi naman nagpahuli ang karamihan sa mga Pili­pino sa mga pangyayari dahil humataw pala ng hang­gang 19.4 percent sa ratings ang prog­rama, ma­taas ito para sa isang late-night program.

Mas hot pa ang mga aasahang eksena sa su­sunod na episode ng Kristine gabi-gabi, Lunes hang­gang Biyernes, pagkatapos ng Magkaribal.

Pareho silang walang karelasyon kaya walang ma­sama kung totohanan na ang kanilang gina­gawa.

*    *    *

Consistent ang denial ni Sarah Geronimo na wala sa plano niyang layasan ang ABS-CBN.

Tanong ni Sarah, bakit naman niya iiwan ang Kapamilya Network na tumulong sa kanya para magkaroon ng bonggang career?

May issue kasi na ililipat siya ng manager niyang si Boss Vic del Rosario sa Kapatid Network pero mabilis ang pagtanggi ni Sarah.

Bisi-bisihan ngayon si Sarah sa malapit nang umereng kantaserye na Idol.

Kaya lang nakapag-piyansa pala ang taong nagtangkang kumidnap sa kanyang daddy Delfin kaya nasa labas na uli ito ng kulungan.

Scary nga naman.

Paano na lang kung mag-isip uli ang nasabing tao ng masama sa kanila lalo na nga’t naudlot ang una nitong balak?

Isang malapit kay Sarah ang nagkuwento na nag-hire na sila ng mga personal guards na titingin sa pamilya ng box-office queen lalo na sa mga lugar na inaakala nilang hindi safe.

*    *    *

Buwan pala ng mga lola ang September. Idi­neklara ng philanthropist at beauty expert na si Ricky Reyes na Month for the Elderly ang buwang magsisimula bukas.

Ang elderly ang isang sector sa ating lipunan na malapit na malapit sa puso ni Mother Ricky.

Every year, na nagsimula seven years ago, gina­gawa ni Mother Ricky ang nasabing proyekto para bigyan ng importansiya ang maraming achieve­ments at contributions ng mga senior citizens sa ating lipunan at maka-create ng awareness sa kanilang mga special needs.

At kahit hindi pa September, nag-umpisa na sila sa kanilang mga activities. Last Aug. 26 isinagawa ang Paper Roses : Living Well, Stating Young, Aging Gracefully (A Trip Down Memory Lane) na dinagsa ng napakaraming senior citizens kung saan binigyan sila ng libreng make over, makeup ses­sions, hair cut and coloring, at free health and wellness.

Tinulungang mag-host ni Kuya Germs (German Moreno) si RR kasama ang mga modelo ng Gandang Lola Mo campaign na sina Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales, Ms. Gloria Romero, and Ms. Barbara Perez.

Nagkaroon din ng kantahan at sayawan ang mga lola at nagkaroon ng coronation ng Carnival King and Queen sa Gandang Lolo at Lola contest na nagsilbing highlight ng event.

Wow, sana dalhin nila ito hanggang sa probinsiya!

Tiyak magandang balita ito sa mga lola na minsan ay naiinip sa buhay at gusto namang magkaroon ng ibang ginagawa.

Show comments