Kung kailan nag-asawa, Ciara ang husay gumiling

MANILA, Philippines – Nasa bansa na naman ang former Miss International na si Melanie Marquez na naka-base sa Utah, USA kasama ang kanyang asawa at mga anak at abala sa pag-aasikaso ng kanilang rancho run. Bago ito umuwi ay sumailalim muna sa isang laser procedure para sa kanyang mga mata.

Umuwi lamang ito para harapin ang kanyang mga commitments bilang endorser ng New Placenta Herbal Beauty Soap.

Natuwa ito sa success ni Binibining Pilipinas-Universe Venus Raj sa katatapos na Miss Universe 2010 beauty pageant na ginanap sa Mandalay Bay, Las Vegas. Naalala niya na isa rin siyang Bb. Pilipinas winner nang manalong Miss International.

“Ang pagiging morena ang talagang edge natin,” bungad ng isa sa mga tumutulong sa Bb. Pilipinas Charities, Inc. para hasain ang mga kandidata bago sila sumabak sa kumpetisyon sa labas ng bansa.

 “Kakabahan ka talaga, you can only hope to master enough confidence. The judges would really see if you’re losing poise dahil sa nerbiyos.”

Naging kontrobersiyal din nun sa kanyang pagsagot sa 1979 Miss International si Melanie ngunit nangibabaw ang kanyang poise at pagiging smart upang makuha niya ang korona.

Sa pagbabalik ni Melanie, itutuloy na niya ang matagal na niyang balak na pagtatayo ng isang personality development institute.

“It took us a decade to make it to the final five again. If we put up a school like this, like what they do in Latin America, mas may tsansa tayo dahil maihahanda na natin ng husto ang ipadadala nating kandidata. Magandang venue rin ito para sa iba pang interesado hindi lang para mag-join ng mga beauty contests, kundi para magkaroon ng poise at kumpiyansa sa sarili,” say pa ng balikbayan na sa dalas ng pag-uwi ay parang dito pa rin siya nakatira at hindi sa Utah.

* * *

Talagang walang makakapantay sa ganda ng Talentadong Pinoy. Napaka-well thought of nung ginawa nilang celebrity showdown sa second anniversary presentation ng palabas, na hino-host ni Ryan Agoncillo, nung Sabado ng gabi na nagpakita pa ng iba pa nilang talento ang kilala na nating mga artista.

Iilan lamang ang nakakaalam na isang music graduate si Arnell Ignacio at napakahusay sa piano at classical music. ’Yung appearance niya sa Talentadong Pinoy ay isang patunay na hindi lamang siya isang komedyante.

Ganundin si Kakai Bautista na isang mahusay na singer.

Si Alex Crisano na isang mahusay na rapper pero first time kong nalaman na isa rin palang painter si Jao Mapa.

Impersonator naman si Shalala.

Kung judge ako, I would have also chosen Ciara Sotto para manalo dahil sa husay niya sa pole dancing. Marami na akong nakita na mas mahusay sa kanya pero wala sila ng sensuality na ipinamalas ni Ciara. It was the first time na nakita naming puwede pala siyang maging sexy, in the true sense of the word.

I’m sure binigyan siya ng mahusay na laban ng isang Nyoy Volante na napakagaling naman pala hindi lang sa pagkanta kundi sa paghawak ng napakaraming musical instruments. Bakit hindi siya sumali sa Pilipinas Got Talent? Baka siya pa ang nanalo sa halip na si Jovit Baldivino.

Ang Talentadong Pinoy pa rin ang nangungunang talent search sa bansa at si Ryan ay siya pa ring nangunguhang TV host sa mga ganitong klase ng palabas.

Show comments