Dalawang bisita ni Ogie nagkainitan

Masaya ang birthday party ni Ogie Alcasid na ginawa sa clubhouse ng Ayala Hills Estate Friday evening. Maraming bisita si Ogie na pina­ngu­ngunahan ni President Noynoy Aquino. Nasa party din sina Mother Lily Monteverde, Marivin Arayata, Rufa Mae Quinto, Kyla, Jaya, Vernie Varga, Noel Cabangon, Randy Santiago, na ka­sa­ma si Regine Velasquez, at nagkantahan.

Inaalam pa namin kung may dagdag na birthday gift si Regine kay Ogie dahil nauna na niya itong niregaluhan ng BMW car. Sky is the limit ’pag nag­regalo sa isa’t isa ang dalawa, kaya hindi kami magugulat kung may iba pa siyang regalo sa “Baba” niya.

Memorable kay Ogie ang nakaraan niyang birthday dahil may dalawang bisitang nagka­sagu­tan at ang rason ay ang unsolicited advice ng isa sa family member ng isa. Ang ending, kahit kara­rating lang, umalis agad ang isa sa dalawang nag­kabanggaan at nagpaiwan naman ang isa na nag-enjoy sa party.

*    *    *

Pagkatapos ng 24 Oras ang airing ng Sur­vivor Phi­lippines: Cele­brity Showdown na pilot na bukas with Richard Gutierrez host­ing. Ma­rami ang nag-aabang ng airing ng reality show, kaya lang hindi nasunod ang re­quest ng kara­mihan na sa later time ito ilagay para mapanood ng mga stu­dents at office wor­kers.

Ang Noah ng ABS-CBN ang makakatapat ng Survivor Philippines: Celebrity Showdown at ibig sabi­hin, magka­tapat ang mga shows nina Piolo Pas­cual at ang P.A. cum yaya niyang si Moi Bien. Si Yaya Moi kaya ang castaway na nagpa­kalbo at nag­pa-ahit ng kilay para lang maka­­­kain ng pizza habang nasa Ranong island dahil sa sobrang gutom?

*    *    *

Sina Carmi Martin at Joey Marquez ang ga­ga­nap na parents ni Mark Anthony Fer­nandez sa Say I Do episode ng Love Bug starting this Sunday.

Alam ni Carmi na si Alma Moreno ang ori­ginal choice sa role ni Chona, pero hindi isyu sa kanya ito dahil natutuwa siya sa project.

Excited din siyang makatrabaho si Joey na first time niyang maka­kasama, reunion naman nila ito ni Mark na nakasama niya sa Kim Sam Soon at si Lovi Poe na nakasama na rin niya. “Ate” ang pabirong tawag ni Joey kay Carmi na tinatawanan lang nito.

Sabi ni Carmi, bagay sa kanya ang role ni Chona at binabasa pa lang ang script, natatawa na siya at nai-imagine ang batuhan nila ng line ni Joey.

May love life si Carmi, pero itinatago niya dahil ayaw niyang maulit ang nangyari noong nakare­lasyon niya si Apa Ongpin na lahat ng kilos nila’y nasusulat. Ang open si Carmi na pag-usapan ay student na uli siya. Enrolled siya sa Philippine Wo­men’s University ng BS Interior Design at tapos na siya ng BS Fine Arts na kailangan para magkaroon siya ng license as interior designer.

Show comments