James sinuway ang instruction ng judge

May lalabas na interview si James Yap sa Showbiz Central ngayong araw. May teaser na lumabas pero grabe raw pala ang ginawang iyak ni James sa nasabing interview ni Pia Guanio tungkol sa mga nangyayaring paghihiwalay nila ni Kris Aquino.

Kaya siguradong lagot na naman nito si Kris. Siguradong mas marami na namang simpatya ang makukuha ng kanyang dating asawa sa kabila nang ginagawang damage control ng kampo niya. Pero kahapon, nag-tweet si Kris. Obviously, sagot sa nasabing interview ng kanyang dating asawa.

“When we were in court last week, Judge Sulit gave us strict instructions, no interviews or discussions about our case & our past relationship. For me it has been easy to obey her, because I have full respect for our judicial system. And the last thing I’d ever do is not obey the judge’s ‘bilin.’ That’s y all my tweets & public pronouncements have been very careful,” ang tweet ni Kris.

Kung ganun, bakit nagpa-interview nga ba si James? Advance interview ’yun. Ginawa bago umalis si James papuntang Amerika.

*    *    *

Ang bilis naman ng mga pangyayari. Kailan lang ay super excited ang baguhang aktor na si Rocco Nacino na finally ay makakasama na niya si Lovi Poe sa Love Bug, pero biglang-bigla, hindi na tuloy ang episode nila. Mas inuna ang Say I Do na si Lovi ang bidang babae pero hindi na siya ang ka-partner, si Mark Anthony Fernandez na.

Apat na episode lang naman ito. First time na magtatambal sina Mark Anthony at Lovi pero pareho silang excited. Tungkol sa kasalan ang kuwento na magkakagulu-gulo sa araw ng kasalan ng dalawa — Lovi (Faye) and Alvin (Mark Anthony). Mapapanood ito right after Party Pilipinas sa GMA 7.

’Di pa raw kasal Robin asawa naang pakilala kay Mariel

Ipinakita nang buung-buo sa E Live kahapon ang pagpunta sa India nina Robin Padilla and Mariel Rodriguez.

Parang promo ng telecom ang presentation dahil meron pang eksena with matching voice over na sobrang na-miss ni Robin si Mariel pero nang mag-text ito, biglang nawala ang lungkot at sumaya na ang action star. Naunang umalis papuntang India si Robin.

Pagdating sa India ni Mariel, sinalubong ni Robin sa airport na may hawak na bulaklak. Pero bawal ang kissing sa India (in public) at buti na lang light kiss lang ang ginawa nila.

Nagpunta sila sa isang eskuwelahan doon na parang public school na tinutulungan yata ni Robin. Ipinakilala si Mariel doon na wife to be ni Mariel.

Bongga ang welcome sa kanila sa nasabing eskuwelahan. Sinabi ni Robin nang magsalita na siya na wife si Robin.

Nagpunta sila sa Taj Mahal at ipinakita lahat doon ang mga photos nila na ang gaganda ng kuha.

Pero ayon kay Mariel, hindi sila nagpakasal doon dahil kung mangyayari ’yun sasabihin nila.

Ayaw niyang sabihing one great love ng actor. One true love ang gusto niya dahil mahirap daw pantayan ang 20 years na pagsasama nito at siyempre patungkol sa dating asawa ni Robin na si Liezel Sicangco.

Wala sa bansa ang dalawa. Ang unang balita, sa Hong Kong sila pu­punta pero ewan ko kung natuloy dahil mainit pa rin sa mga Pinoy ang Hong Kong government dahil sa nangyaring hostage drama na kumitil sa buhay ng walong Chinese.

Kasama nilang umalis sina Kylie at Ali na ayon kay Mariel ay ibabalik na nga ni Robin sa nanay nito sa Australia.

Sabi pa ni Mariel, hindi nakakasawang kasama si Robin kahit 24 hours.

Inulit niya, ngayon lang niya naramdaman ang kakaibang kaligayahan.

Kita sa mata ni Mariel ang sobrang pagka-in love kay Robin.

Show comments