Claudine at Angelica tinantanan na ang patutsadahan sa Twitter

Nauna nang nalaman na si Gwen Zamora ng GMA Artist Center ang leading lady ni Vic Sotto sa Enteng Agimat. Ang newcomer ang nakapasa sa audition at napili ni Vic na gumanap sa role ni Faye sa nabanggit na pelikulang entry sa 2010 Metro Ma­nila Film Festival.

May napili na ring leading lady si Sen. Bong Re­villa, galing sa ABS-CBN, pero Viva Films na ang nagma-manage, kaya libreng makakagawa ng movie na co-produced ng GMA Films.

Ang tsika, lilipat na rin sa GMA 7 ang dalaga at magiging Kapuso at pipirma na raw ng kontrata next week. May kilala kaming Kapuso actor na siguradong matutuwa sa paglipat nito sa Channel 7 dahil malaki ang crush ng actor sa dalaga at noon pa nagi-effort na makilala ito.

* * *

Wala si Claudine Barretto sa victory party sa box-office success ng pelikulang In Your Eyes dahil may sakit at kahapon naka-sche­dule siyang magpa-check up sa St. Luke’s Medical Center sa Global City at sasamahan ng manager niyang si Shirley Kuan.

Hindi nakausap ng press si Clau­­dine sa isyu nila ni Angelica Panga­niban, pero may nabasa kaming tweet niyang “Then u will understand what is Right & Just & Fair. Lord, I thank u for the gift of friends.”

Kahapon din nag-tweet si Angelica na nagpapasalamat sa suporta ng mga kaibigan. In fair­ness, hindi nag­patutsadahan ang dalawa sa kanilang tweets!

* * *

Sa October na sisimulan ni Re­gine Velasquez ang taping ng bago niyang project sa GMA 7, ang romance-dra­ma-comedy na I Heart U Pare at sa November naman ang airing. Second project ito ni Regine sa two soaps a year na kontrata niya sa network.

May napili ng director to direct I Heart U Pare, bawal pa lang isulat at pinipili na rin ang maka­kapareha at makakasama ni Songbird sa bago niyang show.

* * *

Seryoso si Kris Aquino sa pagiging Ambassador niya vs. Dengue dahil kahapon, may medical mission na siya sa Gulod, Novaliches kasama ang mga taga-DOH. Sa September 5, sa Pasay pupunta si Kris kasama ang mga Maka­bayang doctor.

* * *

Si Christian Bautista ang local artist na napiling mag-guest sa Intensity  concert ng Korean famous singer-actor na si Rain. Gagawin sa SM Mall of Asia Concert Grounds ang concert na in fairness, affordable ang ticket prizes, kaya tiyak na dudumugin.

Tinatanong ni Christian ang fans ng Korean pop star kung anong fast English song ang puwede niyang kantahin sa concert. Balladeer si Christian at pop star si Rain at kailangang sumabay ng una sa repertoire nito.

Ang Smart at TV5 ang magdadala kay Rain at exclusive siyang mapapanood sa TV5. Kung wala kayang network war, ipa-interview kaya ng TV5 si Rain sa ABS-CBN at GMA 7?

Show comments