MANILA, Philippines - Ngayong Sabado sa Jejemom, no choice sina Gigi (Eugene Domingo) at Officer Dindo (Wendell Ramos) kundi magpanggap na mag-asawa. No choice rin sila kundi pumayag sa gusto ni Lovely (Jennica Garcia) na patirahin si Jhong (Carl Guevarra) sa bahay dahil kung hindi ay baka matunton sila ni Lady Gangsta.
Sa kanilang bagong buhay, mararanasan nila kung gaano kahirap magpanggap bilang isang totoong pamilya. Laging mag-aaway sina Gigi at Dindo dahil kay G-Boy (Buboy Villar). Feeling kasi ni Dindo ay siya ang tunay na ama ni G-Boy. Makakahalata rin ang kanilang mayayamang kapitbahay na parang hindi totoong mayaman sina Gigi dahil kakaiba ang kilos ng mga ito.
And just when, they thought they are safe, ipapatawag ng Presidente ng Pilipinas si Gigi para makausap ito ng personal. Pero na-intercept pala ito ni Presidential Spokesperson Winston (Ricky Davao) na walang iba kundi si Lady Gangsta!
Mahuli na kaya ni Lady Gangsta si Gigi? Is this the end of our coolest Jejemom?
Tunghayan ang pagpapatuloy ng kwelang storya ng Jejemom ngayong Sabado pagkatapos ng Kaya ng Powers sa GMA 7.