^

PSN Showbiz

Eugene at Wendell tuloy ang bahay-bahayan

-

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado sa Jejemom, no choice sina Gigi (Eugene Do­mingo) at Officer Dindo (Wendell Ra­mos) kun­di magpang­gap na mag-asawa. No choice rin sila kundi pu­mayag sa gusto ni Lovely (Jen­nica Garcia) na patirahin si Jhong (Carl Guevarra) sa bahay da­hil kung hindi ay baka matunton sila ni Lady Gangsta.

Sa kanilang bagong buhay, mararanasan nila kung gaano kahirap mag­panggap bilang isang toto­ong pamilya. Laging mag-aaway sina Gigi at Dindo dahil kay G-Boy (Buboy Villar). Feeling kasi ni Dindo ay siya ang tunay na ama ni G-Boy. Makakahalata rin ang kanilang mayaya­mang kapit­bahay na pa­rang hin­di totoong ma­ya­man sina Gigi dahil ka­kaiba ang kilos ng mga ito.

And just when, they thought they are safe, ipapatawag ng Presiden­te ng Pilipinas si Gigi para makausap ito ng perso­nal. Pero na-intercept pala ito ni Presidential Spoke­s­person Winston (Ricky Davao) na wa­lang iba kundi si Lady Gangsta!

Mahuli na kaya ni La­dy Gangsta si Gigi? Is this the end of our coolest Je­jemom?

Tunghayan ang pag­pa­­patuloy ng kwelang stor­ya ng Jejemom nga­yong Saba­do pag­kata­pos ng Kaya ng Powers sa GMA 7

BUBOY VILLAR

CARL GUEVARRA

DINDO

EUGENE DO

G-BOY

GIGI

JEJEMOM

LADY GANGSTA

NGAYONG SABADO

OFFICER DINDO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with