MANILA, Philippines - Nakiisa at naki-toast ang mga dumalo sa pasinayan nang pagbubukas ng tindahan ng ONE Naturales personal care and beauty products. Nasa larawan sina Watsons Senior Category Manager Jared de Guzman, first Survivor Philippines winner JC Tiuseco, model and TV personality Fabio Ide, Miss Earth-Air 2009 Sandra Seifert, Watsons COO Robert Sun, ONE Naturales creator Charade Galang, Watsons Merchandise Controller May Abarque, Miss Philippines Earth 2010 Kris Psyche Resus, at actor-model Victor Basa.
Ang ONE ay naglalarawan sa organic, natural, at eco-friendly na mga produkto na likha ng pharmacist na si Charade para sa mga health-conscious na Pinoy. Mabibili lang ang ONE Naturales products sa ilang SM Department Stores at Watsons. Abangan ang pagdating nito sa mga SM Department stores sa Lipa, Batangas City, Sucat, San Lazaro, Taytay, Sta. Rosa, Harrison, Quiapo, Tarlac, Baguio, at North EDSA.