MANILA, Philippines - Itong linggo (Aug. 23-27) na lang ang huling lipad ng bidang anghel ng Pilyang Kerubin ng GMA Network dahil nakatakda nang bumalik sa langit ang bidang si Angelica (Barbie Forteza).
Simula nang ipalabas ang telefantasya, kinagiliwan na ito ng mga manonood, lalo na ang mga bata. Kaya tiyak na mami-miss nila ang adventure ng anghel na napababa sa lupa.
Bukod sa magandang istorya at cast, naging usap-usapan din ang mga naging bisita ng programa tulad nina Maricel Soriano, Marvin Agustin, Jennica Garcia, Carl Guevarra, Iwa Moto, Iza Calzado, Jiro Manio, at TJ Trinidad.
Malalaman na ng mga tagasubaybay kung maibibigay na ba ng langit kay Angelica ang kanyang pakpak? Si Charity naman, pipiliin na kayang maging Lupang Anghel na lang para makasama ang mga magulang?
Ang Pilyang Kerubin ay sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes kasama ang mga Kapusong aktor na sina Raymart Santiago, Angelika dela Cruz, Eddie Garcia, Janno Gibbs, Joshua Dionisio, Elmo Magalona, Lotlot de Leon, Maureen Larrazabal, John Lapus, Ryan Yllana, Jewel Mische, Ritchie Paul Gutierrez, Ina Feleo, Alliyah dela Riva, at Yogo Singh.
Tandaan, final week na ng Pilyang Kerubin at mapapanood ito pagkatapos ng 24 Oras.