Sagot kinontra ni Revillame, ABS-CBN pinanindigan ang sulat!

MANILA, Philippines - Pinanindigan ng ABS-CBN ang katotohan ng laman ng sulat na ipinadala nila kay Willie Revillame noong August 19.

“ABS-CBN stands by the content of the letter sent to Willie Revillame last August 19 and what Linggit Tan, ABS-CBN Head of TV Entertainment Production, said in her August 20 TV Patrol and SNN interviews,” ayon sa ipinadalang statement ng ABS-CBN kahapon matapos muling kontrahin ng controversial TV host ang laman ng sulat.

Ayon sa mga nakapanood ng programang Paparazzi kahapon, sinabi raw ni Revillame na kung nagsisinungaling siya, hindi siya makakatulog.

Iginigiit niya rin na nagkaroon ng agreement sa pagitan nila ng management ng Dos na babalikan niya ang programa noong July 31 matapos ang meeting nila ng dalawang beses.

Ipinagmalaki rin daw uli ni Revillame sa nasabing programa na mataas ang rating nito noong siya pa ang host.

Labanan na ito ng kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Naunang sinabi ng ABS-CBN ang mga demand ni Revillame at walang tapos na kasunduan ang pagbabalik nito sa tinigbak na Wowowee.

Pero alam naman ng tao kung sino ang nagsasabi ng totoo di ba? (SVA)

Show comments