Diether mas na-challenge na lumaking walang tatay
Tumatalakay ang Sa ‘Yo Lamang tungkol sa buhay ng isang pamilya na pagsubok at hirap na siyang susukat sa tibay ng kanilang samahan. Kaya sa presscon ng said movie ay nasentro ang tanungan sa mga artista tungkol sa kanilang pamilya.
Nalulungkot si Diether Ocampo na lumaki siyang walang tatay. Pero nakatulong ito at mas na-challenge pa si Diet para maging matatag at maging better person ang aktor.
“Kaya ako laging nakikinig sa mga taong nagkaroon ng experience tungkol sa pagiging marupok ng isang lalaki lalo na sa pagiging padre de pamilya para matuto sa aking buhay,” sabi ni Diet.
Malaking sakripisyo para sa kanya ang lumaking walang tatay pero nagsilbi itong challenge para magtagumpay sa buhay.
Nananatiling tahanan ng mga makabuluhang pelikula ang Star Cinema at tiyak na aantig sa damdamin ng mga manonood ang Sa ’Yo Lamang na palabas na sa Sept. 1 mula sa direksiyon ni Laurice Guillen.
* * *
Tinanong din ang magaling na si Lorna Tolentino kung nagbago ba ang level ng kanyang role o akting sa pagdaan ng mga panahon na siyang gaya nang inilarawan sa pelikulang ito.
Sagot ni LT, “Kahit nagampanan ko na ang iba’t ibang karakter, mas malalim ang pag-arte ko rito bilang si Amanda. Iba ang level of maturity at bigat ng role ko dito sa Sa ’Yo Lamang dahil matapos ang ilang eksena ay basang-basa ako ng pawis dahil sa tensiyon.”
Tinanong din ang aktres kung bakit hindi siya tumatanda, maganda, at seksi pa rin. Ano ang kanyang sikreto?
“Maging positibo ang pananaw sa buhay. Gusto kong mag-age gracefully. In two years time I’ll be 50 years old kaya alaga ko rin ang aking katawan,” pag-amin ng aktres.
* * *
Hindi rin tumatanda ang hitsura ni Christopher de Leon kumpara sa mga nakasabayan niyang aktor dahil alaga rin ang katawan at sa pagwo-workout regularly. Thirty eight years na ang aktor sa showbiz.
Saludo naman siya sa mga kabataang aktor na kasama niya sa pelikula gaya nina Coco Martin, Zanjoe Marrudo, at Diet.
“Lahat sila professional and I get inspired sa pagkakaroon nila ng disiplina sa sarili. Noon ang mga kabataang artistang lalaki ay haragan at tamad sa trabaho minsan. Ngayon palaban ang mga ito at waring ’di sila napapagod,” obserba ng premyadong aktor.
- Latest