James Yap excited na bumisita agad kay Baby James

Marami palang aabangang eksena sa Sur­vivor Philippines: Celebrity Showdown dahil kanya-kanyang patalbugan ang 18 castaways, sinadya man o hindi. Isa rito’y ang aksidenteng nahubaran ang isang male castaway na i-wish ninyong hindi ma-edit at ipalabas dahil late naman ang time slot at hindi naman siguro mai-X ng Movie and Tele­vision Review and Clas­sification Board (MTRCB).

Sina Solenn Heussaff at Michelle Madrigal ay obvious na pumayat at ang una nga ay six kilos ang nabawas at pareho pang umitim. May ilan ding nagkaroon ng permanent insect bites scars na pino-problema nila ngayon kung paano maaalis.

May ilan ding naging madaldal, kuwento nang kuwento ng kani-kanilang buhay na hindi na dapat dahil may ilang masasagasaan. Kapag hindi na-edit ang mga sinabi nito, magagalit sa kanya ang mga fans na mga masasaktan sa mga dinaldal niya.

Mas makikilala ang 18 castaways dahil may presscon this week, pero hindi yata kasamang ha­ha­rap ang host ng Survivor Philippines: Ce­lebrity Showdown na si Richard Gutierrez.

Sa Aug. 30 na ang airing ng Survivor Phi­lip­pines, pero bago ’yun, mapapanood si Richard sa ­ Anatomy of a Disaster tonight sa SNBO time slot. First ang environmental docu-series sa 13 epi­sodes na monthly ipalalabas ng GMA 7 tungkol sa biggest calamities ng mundo.

*    *    *

Agad binisita ni James Yap ang anak na si Baby James sa condo ni Kris Aquino sa Makati City after i-grant ng court ang visitation rights sa kan­yang anak. Wednesdays and Fridays (until Saturday ng 2 p.m.) mabibisita ni James ang anak at last Friday nga, sa una niyang pagbisita, may dala itong toy gun para kay Baby James.

Hanggang alas-dos ng Sabado nag-stay si James sa condo ni Kris habang nagho-host ito ng Pilipinas Win na Win kaya pagbalik nito ng bahay ay wala na si James. Na-tweet ni Kris na paulit-ulit na sinabi ni Baby James sa kanya ang “friends na mama & papa, wala ng away-away.” Kaya reaksiyon ni Tetay, “I really pray that will be our ver­sion of a happy ending. That even when marriage is over, the ex-couple can be friends & good parents.”

*    *    *

May teaser na ang Grazilda, The New Cin­derella, ang fanta-drama na pagbibi­da­han ni Glaiza de Castro. Siyempre pa, tuwang-tuwa ang aktres sa panibagong pro­ject na ibinigay sa kanya ng GMA 7 at hindi makapaniwalang bida na siya at may ka-loveteam na hindi niya aagawin sa bi­dang babae at ito’y si Geoff Eigenmann na “hihi­ramin” niya kay Carla Abellana.

Hindi naman pala agad ibinigay ng network kay Glaiza ang project dahil nag-audition ito for the role kasama ang ibang Kapuso stars at sinu­­werteng siya ang napili after two auditions.

Bukas, Monday na ang simula ng taping ng Gra­zilda to be directed by Dominic Za­pata at sa Sept. 11 na ang airing. Pang-primetime ang fan­ta-drama na ito na pa­pa­lit sa Pilyang Ke­rubin. Iba’t iba ang location ng show at gagas­tusan ng network. Pati mga kasama sa cast ni Glaiza ay magagaling na artista gaya nina Rio Locsin, Joel Torre, at Cheri Gil.

Dahil sa panibagong show, tuluy-tuloy nang mabibili ni Glaiza ang nagustuhang three-bedroom house sa may Commonwealth, Que­zon City. Before the year ends, sa kanya na ang bahay na isang katuparan nang matagal nang pangarap ng aktres para sa kanyang pamilya.

Show comments