'Di bitter, Bea umaasa pa ring makita ang tatay

Hindi lamang naman ang kawalan ng ama ang prob­­lemang tinatalakay sa pelikulang pang-17th an­niversary ng Star Cinema kundi ang napa­­­kara­ming problema na kinakaharap ng maraming pamilya sa bansa, pinapangunahan na ang pam­bababae ng ha­ligi ng tahanan.

Ito ang problemang kinakaharap ng iniwang pa­milya ni Christopher de Leon na itinaguyod ng isa sa mga anak niya na ginagampanan ni Bea Alon­zo na siyang tumayong breadwinner in his ab­sence. Na­­­kapagtataka ba kung hindi nito tanggapin ng ma­dali ang kanyang pagbabalik?

May pagkakatulad sa kanyang tunay na buhay ang sitwasyon ni Bea sa movie. Siya rin ang tuma­ta­yong provider ng kanyang pamilya dahil wala siyang ama na gumagawa nito pero taliwas sa asal ng kan­yang character sa movie, hindi bitter si Bea sa ka­wa­lan ng isang father figure sa buhay niya. Ti­nanggap niya ang kanyang tadhana at nagsikap na magkaroon ng isang ma­sayang pamilya kahit wala ang haligi ng kanilang ta­hanan.

Pero umaasa pa rin siya na magkakaroon ng magand­ang ending ang istorya ng kanyang bu­hay. Kahit paa­no, naroon pa rin ang pag-asa na makikitang muli ang kanyang ama at mag­karoon ng happy ending ang istorya ng kanyang buhay.

Ulila rin sa ama si Diether Ocampo pero ito ang nagtulak sa kanya para magsikap ng husto at mai­angat ang kanyang pamilya.“Nag-succeed na­man ako pero iba pa rin ’yung may tatay sa pi­­­ling namin na siyang magtataguyod sa pa­­milya at kaming mga anak ay magiging katulong lamang nya. Sin­ce ito siguro ang nakatakda sa amin, we’ve lear­ned to accept his absence in our life, pero ma­la­king epekto sa akin na wala siya,” sabi ni Diether na kasa­mang nagtataguyod ng Sa ’Yo Lamang, sa direk­siyon ni Laurice Guillen.

Kasama pa rin sina Lorna Tolentino na siyang guma­ganap ng role bilang ilaw ng tahahan, ang ba­ba­eng iniwan ng kanyang asawa at mag-isang nagta­ta­guyod ng kanyang pamilya, Coco Martin, Zanjoe Ma­ru­do, Shai­na Magdayao, Enchong Dee, Empress, Miles Ocampo, at Lauren Young.

Palabas na ang pelikulang ito na halaw sa mga tunay na kasaysayan ng maraming pamilya na nakausap at nakasama sa research ng manunulat na si Ricky Lee at ng kanyang team.

Lumalabas na tipikal na problema sa pamilya ang pambababae ng lalaki at marami sa atin ay tina­tanggap ito bilang parte ng buhay na nag­kaka­mali pero binibigyan ng pagkakataon na buma­ngon, hindi ibig sabihin ay katanggap-tanggap na ito. Ang solusyon sa problemang ito ay mama­ma­las sa pelikula sa pag­papa­labas nito sa unang araw ng Setyembre sa mahigit na 100 sinehan sa bansa.

*    *    *

Natatawa rin si German Moreno kapag tinatanong kung totoong mawawala na sa ere ang Walang Tulugan niya. Makaka-sampung taon na rin ito pero hanggang ngayon ay going strong pa rin naman. Katunayan, ito ang nagpauso sa mga programang pang-madaling araw, nagawa nitong iusog ang primetime sa kasalukuyang oras nito. Matapos makapag-air ng Walang Tulugan, marami na ang nagsunuran, marami ng programa ang mapapanood sa ganitong oras.

“One of the top five shows ng GMA 7 sa abroad ang Walang Tulugan. Dun na­pa­panood ito sa pri­me­time, mga early afternoon at hindi more than once. Kaya nga lagi akong lumalabas ng bansa, para mag-promote ng GMA Pinoy TV ’di lamang sa US kundi maging sa Australia at Asia,” pagmamalaki ng Master Showman.

Sa programa rin ni Kuya Germs na GMA Su­per­show unang nauso ang pag­po-promote ng mga pelikula na ginagawang bahagi ng programa. Gumagawa ng production number ang mga artistang nagpo-promote at hindi na sila sumisingil ng talent fee. Bilang kapalit, ipinalalabas ng libre ni Kuya Germs sa show ang trailer ng mga pelikula na hindi nagustuhan ng isang exec ng network kaya kinu­westiyon sila. Ipinaliwanag niyang give and take lang ang ginagawa nila. Libre ang trailer at libre rin ang performance ng mga artista. Sa sumunod na ek­sena, ang exec na ang nakikipag-usap sa mga movie producers tungkol dito.

Show comments