Mother Ricky nakipagsayawan

MANILA, Philippines - Marami ang nahihilig sa iba-ibang uri ng sayaw ‘di lang ito hobby kundi paraan din para magkaroon ng malusog o seksing katawan.

Ngayong Linggo sa Life and Style wih Gandang Ricky Reyes sa Q-11 ngayong Linggo alas-diyes ng umaga, iba-ibang sayaw ang itatampok. Gayundin ang mga choreographer na pinarangalan dahil sa kani-kanilang kakayahan.

Tampok sa LSWGRR sina Geleen Eugenio na pamoso sa mga legendary dance hits, National Artist for Dance Ramon Ubusan at Cherry Ylanan ng Folkloric Dance Group.

Magsasalaysay din ng kanilang pag-akyat sa tagumpay sina Jon del Rosario na choreographer-manager ng Kids@Work na kilala sa hip hop steps, Pole Dancing maestro Ed Aniel at Ballroom Dancing instructor Becky Garcia.

May mga tips na ibibigay sa mga kabataang nahihilig sa ballet ang prima ballerinang si Liza Macuja-Elizalde at ibibida naman ng owner-manager ng Club Mwah na si Pocholo Mallilin kung bakit niya naisip na mala-Broadway ang ambience at panoorin sa kanyang sikat na establishment.

Dahil mahilig ding sumayaw si Mader Ricky kaya napatunayan niyang ito’y mabisang pampabata at pampasigla ng katawan. “Kung tinatamad kayong uma­lis para mag-work out sa gym, puwedeng sa bahay lang kayo magsayaw mag-isa o mag-imbita ng mga kaibigan para ka saba­yan. May sayawan na, may tsikahan pa,” sabi ni Mader.

La Diva’s “Unleashed” sa Music Museum

Hindi na matatawaran pa ang galing at talent ng maka­bagong divas sa bansa na sina Jonalyn Viray, Aicelle Santos at Maricris Garcia, mas kilala bilang La Diva.

Muli nilang patutunayan ito sa repeat ng kanilang matagumpay na show noong July 31 ng taong ito na pinamagatang La Diva Unleashed The Repeat na gaganapin ngayong August 21, 8:00 p.m., sa Music Museum.

Tinaguriang sagot ng Pilipinas sa sikat na Destiny’s Child, ang La Diva ay umani ng palakpak sa kanilang magaling na blending sa mga kantang Mi­chael Jackson Medley, Boys II Men Medley, Alicia Keys Medley at Beyonce & Lady Gaga Medley lalo na ng kantahin nila ang sikat na Angels Brought Me Here mula sa teleseryeng Queen Seon Dok.

Prodyus ni Arlene Meyer ng Creative Media Entertainment, ang La Diva Unleashed The Repeat ay hatid ng HP Original Supplies and Post & Prints. Special guests sina Gian Magdangal, Jan Nieto at Harry Santos. Musical director si Soc Mina at stage director naman si Georcelle Dapat-Sy. Si Regine Tolentino naman ang gumawa ng wardrobre para sa show.

Ang tiket para sa La Diva Unleashed The Repeat ay mabibili sa Music Museum box-office (721-0635) at Ticketworld (891-9999).

Show comments