Wala namang nakitang malaking pagkakaiba si Carla Abellana sa paggawa niya ng una niyang pelikula at sa paglabas niya sa telebisyon maliban sa pangyayaring mas mabilis gawin itong una pero mas mahirap dahil mas maraming shots. Kung hindi man siya gaanong nahirapan ito ay sa dahilang ginabayan siya ni direk Joel Lamangan.
Ginagampanan niya sa pelikulang Mamarazzi, ang 50th anniversary presentation ng Regal Films, ang role ni Mimi, pamangkin ni John Lapus na isang aspiring actress. Lahat ng kilos niya ay exaggerated, parang laging umaakting.
Dalawa ang kapareha niya sa movie, sina JC Tiuseco, ang boyfriend niya na nakipag-break sa kanya at si AJ Perez na tinu-tutor niya. Bagaman at isang komedi ang pelikula, 99% ng mga eksena niya ay umiiyak siya.
Sa halip na malungkot dahil maghihiwalay na sila ng assignment ng sinasabing boyfriend niya na si Geoff Eigenman, excited si Carla.
“Loveteams come and go. Hindi ako affected dito dahil bago pa lamang kami naging loveteam ni Geoff ay accepted ko nang maghihiwalay din kami. Okay naman kaming dalawa, we will both be working. Next in line for me is Coffee Prince with Dennis Trillo.
“No, hindi pa kami ni Geoff, hindi ko pa siya sinasagot. Wala naman siyang kailangang gawin para sagutin ko siya agad dahil ayaw ko pang magka-boyfriend but he is boyfriend material. Totoo siyang tao, honest. He can be sexier if he can look more right. Kailangan niya ng abs, Dennis is into sports,” sabi ni Carla who grew up reading books, not watching television. “Hindi kami ma-TV,” dagdag pa niya.
Ang Mamarazzi na nagtatampok ng isang all star cast na pinamumunuan ni Eugene Domingo bilang isang single mother who has to raise her children AJ Perez and Andi Eugeman single handedly, Diether Ocampo, and many more is due to open on August 25 pero bago ito, magkakaroon ito ng premiere night sa August 22 sa SM Megamall.
* * *
Walang ka-effort effort at siguro ay wala ring intensiyon pero nananakawan ni Dennis Trillo ng moment sa Endless Love si Dingdong Dantes. Mas nagmamarka ang role ni Dennis bilang Andrew kesa sa role bilang Johnny ni Dingdong.
Kung magpapatuloy ito, baka pumayag na ang manonood ng serye na kay Andrew na mapunta si Jenny (Marian Rivera) sa halip na kay Johnny. I think Dingdong should put more effort sa kanyang pagganap bilang Johnny. Sa kanya may gusto si Jenny, pero bakit parang mas in love si Andrew sa dalaga kesa siya?
Dennis is playing Andrew to the hilt and Dingdong should watch out, kung hindi makakain siya ng buo ni Dennis na dapat ay kontrabida nila ni Jenny pero nahahatak ang mga manonood sa kanyang side dahil sa kanyang kahusayang umarte at sa kanyang kaguwapuhan.
* * *
Aba at napakasuwerte naman nitong si Bianca Manalo, isang beauty queen na sumusubok mag-artista. Kasama siya sa matagumpay na seryeng Magkaribal.
Bida siya ngayong gabi sa episode ng Maalaala Mo Kaya na kung saan makakasama niya sina Rayver Cruz at Coney Reyes.
“Nagulat nga ako. Akala ko kasi when I was informed na lalabas ako ng MMK, magiging one of the support lang ako. Yun pala, malaki ang role ko, bida. After reading the script, nagpraktis na akong umiyak. Ayaw ko namang mapahiya kung magiging cause of delay ako dahil hindi ko kayang gampanan yung role na ibinigay nila sa akin.
“Kay Miss Coney ako medyo nag-alala dahil marami kaming eksena together eh alam ko, ang galing-galing niya. Wala akong problema kay Rayver dahil madali kaming naging comfortable sa isa’t isa. We found a common topic to talk about, dancing. Pareho kaming mahilig sumayaw,” sabi ng bagong artista na masusubok ang galing sa pag-arte ngayong gabi sa MMK.