Binili pala ng TV5 sa Regal Films ang rights ng Super Inday series ni Maricel Soriano, kaya pagkatapos maipalabas ang Super Inday and the Magic Bibe na entry sa Metro Manila Film Festival na pagbibidahan ni Marian Rivera, mapapanood si Super Inday sa TV, pero ibang artista ang gaganap.
Iniisip namin kung kanino sa TV5 talents babagay ang role ni Super Inday at so far, sina Alex Gonzaga, Carla Humphries at Danita Paner lang ang alam naming may kontrata sa istasyon. O baka naman sa winner ng Star Factor search ng network ibibigay ang project at maganda nga naman itong launching project.
* * *
Balitang TV5 pa rin, 16 new shows ang ilo-launch ng istasyon sa second week ng September at kabilang ang Inday Wanda ni Eugene Domingo, Lady Dada ni Ryan Agoncillo, Untold Stories Mula Sa Puso, Face to Face hosted by Amy Perez, ang sitcom na My Driver, Sweet Lover nina Richard Gomez, Dina Bonnevie, JC de Vera, Danita Paner at Eric Quizon na siya ring director.
Ang karamihan sa shows na ilo-launch ay News & Public Affairs at makikipagsabayan na siguro ang TV5 sa News & Public Affairs shows ng ABS-CBN at GMA 7.
* * *
Birthday ni Fernando Poe, Jr., kahapon at binati siya ng happy birthday ng anak niyang si Lovi Poe. Heto ang birthday message ni Lovi sa ama na pinost sa Twitter.
Sabi nito: “Happy birthday Papa! I know everything’s going crazy here. But it’s okay, you see me from up there, you see me from the Parallax view. It’s good enough for me that you know the truth, that way I can say that I’m confident that I never let you down and that you’re proud to have me as your daughter. Even if others would say otherwise. I love you so, you maybe “Da King of Philippines”, but you’re the king of my heart.”
* * *
Kaya pala “to be confirmed” ang status ng partisipasyon ni Jolina Magdangal sa fanta-drama na Grazilda, the New Cinderella ng GMA 7 ay dahil noong storycon, hindi pa nito tinatanggap ang project. Fairy god mother sana ang role ni Jolina na bagay na bagay sa kanya lalo na kung pang-comedy ang atake niya sa role.
Hindi alam ni Jolina, pero ang press ang nakakita ng problema halimbawang hindi nito tanggapin ang role. Kasama kasi sa cast ng Grazilda si Gwen Zamora, ang new talent ng ICON Productions na kinabibilangan ng ex ni Jolina na si Atty. Bebong Muñoz.
Si Gwen ang gaganap sa role ni Cinderella at ‘di maiwasang magkita na sina Jolina at Bebong sa promo at taping ng show. Sabi naman ng singer-actress, naka-move on na siya ng bonggang-bongga at okey na kung magkita sila ng ex.
Sabi rin ni Bebong, okay na kung magkita sila ni Jolina nang makita namin sa contract signing ni Gwen sa GMA Artist Center kasama sina Andi Manzano at Ellen Adarna. Pero nang i-dare ng press na samahan si Gwen sa Party Pilipinas dahil i-introduce ito at kung saan mainstay si Jolina, hindi raw siya ang sasama kay Gwen, kundi ang ibang taga-ICON.