Christian parang maghuhubad na sa billboard

Nagugulat ako kapag nakikita ko yung napakalaking billboard ni Christian Bautista sa kahabaan dito sa may Timog. Nakahubad siya, at talaga namang napaka-sexy. Iniisip ko tuloy na baka iwan na niya ang pagkanta at mag-venture na sa ibang field na kailangan ng ganun kagandang body, like modeling perhaps.

Puwede naman niyang pagsabayin ang dalawang career, kung gugustuhin niya, pero sana huwag niyang iwan ang singing dahil nakagawa na siya ng mark dito.

* * *

Kahit huli na ay nakikidalamhati ako sa pamilya ni Imelda Papin na namatayan ng ama at ng pamilya ng yumao ring si Charlie Davao.

Hindi man ako nakarating sa burol ng mga namatayan dahil sa edad ko ay bigla kong naramdaman na ayaw kong pumunta sa mga patay, pero ipinagdasal ko naman ng mataimtim ang mga kaluluwa nila. At mataos sa puso ko ang pakikidalamhati sa mga iniwan nila.

* * *

Ako ang worried sa sunud-sunod at walang patid na pelikula at mga palabas sa TV ni Eugene Domingo. Kahit na sinasabi niyang iba-iba naman ang mga ginagawa niya , I dare say na lahat comedy, pare-pareho ang acting niya kahit sabihin pang napaka-husay.

Sana konting hinay naman para magtagal siya. Take very good care of yourself and your career. Worried ako na baka hindi makabuti ang pagiging overexposed niya.

* * *

Nakasama ako sa promo ng Ilumina sa Lipa, Batangas. Napa­kasaya nang ginawang pagtanggap ng mga Lipeños sa grupo namin na binubuo nina Christopher de Leon, Jean Garcia, Bea Binene at Jake Vargas.

Kumanta ng dalawang beses si Boyet at tanggap na tanggap ng tao yung Sinasamba Kita dahil pelikula nila yun ng kasalukuyang gobernadora nilang si Vilma Santos. Sinamantala ko na rin ang pagkakataon para ma-interview si Boyet para sa Walang Tulugan.

Nagbigay din ng kanta si Jean pero muling narinig ko ang malakas na tilian ng tao nang lumabas na sina Bea at Jake.

May isa ngang 13 year old na umakyat ng stage at gustong mahalikan si Jake.

Hindi ako pumayag dahil gusto niya lips to lips, eh ang bata-bata pa niya, sabi ko sa pisngi na lang. Buti na lang pumayag siya.

Show comments