May hearing na sa Friday ang nullity of marriage na isinampa ni Kris Aquino sa asawang si James Yap, kaya ayaw nang mag-comment at ayaw nang sagutin ng TV host-actress ang mga pahayag ng ex sa presscon nito.
Maiksing “Mahirap mag-comment because we have a hearing on Friday” ang sagot ni Kris nang hingan namin ng reaction sa mga sinabi ni James at ng lawyer nitong si Atty. Lorna Kapunan sa ipinatawag na presscon.
* * *
Hindi pala natapos ni Marian Rivera ang mga eksena niya sa taping ng Endless Love last Monday dahil dinala ito sa ospital. Sumama ang tiyan at nagsuka ang aktres at bago pa grumabe ang lagay nito, itinakbo na lang sa ospital.
Dahil sa nangyari kay Marian, hindi natuloy ang taping ng Show Me Da Manny kahapon na dapat ay advanced taping ng sitcom dahil pupunta sila sa Singapore. Ang balita, naurong ang alis at taping ng grupo sa Singapore na dapat ay sa Aug. 21-22, kaya makakapagpahinga pa si Marian bago muling sumabak sa trabaho.
* * *
Ikinagulat ng nanood ng premiere night ng In Your Eyes ang love scene nina Claudine Barretto at Richard Gutierrez dahil first time ginawa ’yun ng aktres.
Sabi ni Direk Mac Alejandre, five hours siyang inabot sa mixing ng love scene ng dalawa dahil gusto niyang maging sensual at disturbing.
May natuwa at meron ding hindi pumabor sa naging ending ng movie na siyang napili ng Viva Films at GMA Films sa three endings na kanyang kinunan. Curious kaming malaman kung ano ’yung two endings na hindi napili.
Samantala, nabalitaan naming gusto nang makipag-meeting ni Mr. Vic del Rosario kay Shirley Kuan, manager ni Claudine para sa next movie ng aktres sa Viva Films. Tama ba ang hula naming ang remake ng Langis at Tubig ang kanyang gagawin?
* * *
Balik-TV na si Yasmien Kurdi dahil kasama siya sa cast ng bagong telefantaserye ng GMA 7 na Grazilda, The New Cinderella. Hindi man siya ang title role, baka simula na ito nang muling pagiging active niya sa showbiz.
Bida sina Glaiza de Castro as Grazilda at partner si Geoff Eigenmann, at si Gwen Zamora ang Cinderella.