Nung Lunes sa radio program ko ay ang daming tumawag condemning Bianca King for quarreling with Heart Evangelista. Obviously, mas marami ang kampi kay Heart dahil nagagalit nga sila kay Bianca at sinasabing marami itong kaaway hindi lamang si Heart.
I’ve seen Bianca at okay naman siya, nambabati at madalas nakangiti pa. Pero bakit sinasabi nilang palaging nakasimangot ito?
Baka natitiyempo sila na wala sa mood o kaya naman may iniisip o problema ang aktres pero I’m sure hindi niya natural ’yung hindi ngumingiti. Sana huwag nilang agad husgahan. I must admit na kilala ko si Heart, she’s one of the sweetest persons, palaging maganda ang disposition. Nakapagtataka lang na para sa kanya, Bianca doesn’t exist. Lalaki kaya ang dahilan ng kanilang away? (FYI. Lumabas na po ang kuwento na si Bianca ang karelasyon ngayon ng ex ni Heart na si Ian Dy kaya sila magkaaway – SVA)
* * *
Sino kaya ang mas magaling na game show host, ang anak o ang ama?
It’s unfair na pagkumparahin ang mag-amang Edu at Luis Manzano. Dahil lamang sa pareho silang nagho-host ng mga game shows. Si Edu na isa nang Kapuso ngayon ay isang game show ang unang assignment sa GMA 7.
Bagama’t nakakaangat ang ama dahil mas mahaba ang karanasan nito sa nasabing trabaho at talaga namang hindi lamang sa pagho-host ng mga pakontes mahusay si Edu, magaling din itong artista, pero mabilis nang humahabol sa kasikatan niya at kagalingan ang kanyang anak kay Vilma Santos na nakuha na ang talent ng ina sa pag-arte ay namana pa rin ang husay sa pagho-host ng kanyang ama at ang galing sa komedya.
Yes, Edu and Luis ay magandang ehemplo ng mag-ama na kahit rivals sa kanilang mga trabaho ay walang kumpetensiyang nakikita ang mga manonood sa TV sa kanila. May respeto sila sa isa’t isa at tiwala sa kani-kanilang kakayahan.
* * *
Hindi ko akalain pero maganda palang tandem sa TV sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi. Kitang-kita mo ang pag-aalalay nila sa isa’t isa, hindi nagpapatalbugan kundi nagtutulungan.
Hindi mo rin sila kakikitaan ng kahit pinakamaliit na effort na maungusan ang isa. Feel mo na gusto nilang maging magandang tandem. Ganito siguro sila in real life, kaya maganda ang samahan nila, despite the fact na walang kasal na nag-uugnay sa kanila.