AiAi totoong namatayan ng 'baby'

Kamakailan ay napabalitang namata­yan daw ng anak ang aking kaibigan at talent na si AiAi Delas Alas. Marami ang nagulat at nalungkot sa kanilang narinig kaya agad naming hiningan ng pahayag si AiAi para sa SNN (Showbiz News Nga­yon).

Nilinaw naman ng comedy queen ang balitang ito. “Isa siyang baby na bigay sa akin ng heaven, actually sa friend ko iyon kaso ay hindi niya kaya emotionally and physically na mag-alaga pa ng baby so ibinigay niya sa akin. Unfortunately ay hindi niya kinaya yung pagkapanganak niya so nandun na ulit siya sa heaven,” malungkot na bungad ni AiAi.

Ang batang aampunin dapat ni AiAi ay nakapiling daw niya bago pa ito mamatay. “Nakita ko siya, hinawakan ko siya, na-kiss ko pa siya. Heaven sent, maganda yung bata, kaya lang ay hindi na niya nakayanan yung trauma nung paglabas niya, suhi, supposedly kapag ganun ay caesarian kaso ay pinilit siyang normal. Nakalulungkot pero sabi ko nga noong nag-pray ako, sabi ko Lord kung para sa akin ay buhayin mo siya na walang dipe­rensiya, pero kung hindi siya para sa akin, kunin Mo na siya kasi nahihirapan na siya,” dagdag pa ng comedy queen.

Despite of what happened ay willing pa rin na­man daw mag-adopt in the near future si AiAi.

Not very many people know this, but AiAi is one of the most spiritual persons I have ever met. Her connection to God is simply amazing.

* * *

Kilala ang Star Cinema sa paggawa ng mga maga­gandang pelikula. Year 2000 nang mapa­no­od natin ang isang magandang obra ng premya­dong direktor na si Laurice Guillen, ang Tanging Yaman. Pinag-usapan ito nang husto dahil sa gan­da ng istorya at ang pagsasama-sama ng pinaka­ma­gagaling at pinakasikat sa industriya. Humakot din ng maraming awards ang nasabing pelikula.

Sa September 1, ay isa na namang de-kalib­reng pelikula ang ihahandog sa atin ng Star Cine­ma at ni direk Laurice, ang Sa’yo Lamang. Muli ay pinagsama-sama ang mga pinakama­gagaling sa mundo ng pelikula at telebisyon.

Pinagbibidahan ang pelikula nina Bea Alonzo, Diether Ocampo, Coco Martin, Zanjoe Marudo, Shaina Magdayao, Enchong Dee, Empress, Miles Ocampo, Lauren Young, ng Grand Slam Queen Lorna Tolentino, at Drama King Chris­topher de Leon.

Ang istorya ay isinulat ni Ricky Lee.

Kahapon ay personal kong napanood ang trailer ng Sa ’Yo Lamang, maganda at tiyak akong aabangan at panonoorin ito ng bawat pamilyang Pilipino.

The best thing about Sa ’Yo Lamang is the fact that it offers a material that allows us to watch ourselves. Kapag pinanood natin ang pelikula, siguro ay kanya-kanya tayo ng pagsusuri kung alin doon sa mga karakter sa pelikula ay ikaw at ako and that makes it fascinating. Reports From JAMES CANTOS

Show comments