TRUE : Nakakarating kay Liezl Sicangco ang mga komento ng ilang kumakampi kay Robin Padilla at nasasaktan na siya dahil wala namang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanya.
Tungkol ito sa pera na hinahabol umano niya kay Robin. Bukod pa sa natatanggap niyang sustento buwan-buwan para sa anak nilang si Zhen Zhen na nag-aaral sa Australia.
Nabanggit na ang perang ibinigay ni Robin kay Liezl pati ang lupa sa Pampanga worth 2 million pesos at ang tatlong bahay sa Australia na nagkakahalaga rin ng 100 million pesos.
Nasaktan si Liezl sa mga lumalabas na parang naghahabol siya ng pera mula sa dating asawa kaya nagpadala ito ng mesahe na pagkatapos daw ng Ramadan ay bubuwelta siya at may mga ilalabas siyang ebidensiya na mali ang ibinibintang sa kanya.
May mga kailangang ayusin si Robin kaugnay sa kanilang diborsiyo at nakausap na niya ang kanyang abogado pagdating sa karapatan nito bilang asawa ni Robin sa loob ng 20 years.
Ilan sa mga ipinadala nitong text messages: “Advice ng lawyer ko na dapat ipaglaban ko ang karapatan ko as a wife for 20 years.
“Hindi ko po alam kung magkano ang kinita ni Robin for 20 years, ’di po ako nakikialam pero ’di ko naman po sinasabi na pinabayaan niya kami.”
Ang pagkakaalam ko, nasa India pa si Robin pero nagbigay na ito ng pahayag na pakiusapan na nito ang mga anak niya na bumalik na sila sa kanilang ina.
TANONG : Bakit ang karapatan lang kay Baby James ang ipinaglalaban ni James Yap bilang ama at hindi ’yung una niyang anak sa ibang babae?
Humarap si James sa media nung isang araw para ipaalam ang balak niyang pag-file ng motion for provisional award of visitation rights sa anak nila ni Kris Aquino.
Bahagi ng press statement na ibinahagi nito kasama ang abogado niyang si Atty. Lorna Kapunan: “Mr. Yap only wishes to be allowed to see his minor child at least twice a week. Mr. Yap prays that Baby James be allowed to spend one night in a week with him, particularly from Friday evening to Saturday the next day. Mr. Yap likewise prays that he be allowed to take Baby James to his hometown Escalante, Negros Occidental, so that Baby James can spend time with his grandparents. Further, Mr. Yap prays that he be furnished a telephone number which he can reach at all times to contact Baby James. Mr. Yap also reserves the right to thresh out the issue on custody in the main case.”
TOTOO KAYANG over na sa pagka-stage mother ang ina ni Jillian Ward na mas kilalang si Trudis Liit?
May nakakarating sa aming over na sa pagka-protective ang ina ni Jillian pero sa bandang huli ay okay na ito pagkatapos na paliwanagan ng trabaho ng kanyang anak.
Nilinaw naman ng mga taga-Trudis na sumusunod pa rin sila sa mga alituntunin ng Department of Labor and Employment (DOLE) pagdating sa trabaho ng bata kaya walang dapat ipag-alala ang ina nito.
Ngayon ay okay na ang Mommy ni Jillian at naawa na nga sila sa sobrang pag-aalaga sa bagets kahit hirap ito ngayon dahil buntis pala ang madir.
TSIKA LANG : Marami ang nakapapansin na mas komportable pa ngayon si Rachelle Ann Go sa Party Pilipinas kesa kay Mark Bautista na mas nauna pa sa kanyang lumipat mula sa ASAP.
Komento ng isang observer: “Mark left his heart in ASAP. ’Yun lng po ’yun!”