MANILA, Philippines - Ang tambalang Universal Pictures at Illumination Entertainment ay nag-iimbita na panoorin ang kanilang bonggang-bonggang produksiyon na ginawa sa 3-D CGI, ang Despicable Me. Mula sa malikhaing producer na si Chris Melendandri (Ice Age, Dr. Seuss’ Horton Hears a Who!) ay ang naiibang kasaysayan ng isa sa world’s greatest super-villains na haharapin ang kanyang pinakamabigat na hamon, ang pagdating ng tatlong nakakagiliw na batang babae sa kanyang buhay.
Sa isang masayang bayan sa labas ng lungsod, sa isang bahay na may bakod na white picket fences at mga namulaklak na rose bushes sa gitna ng walang kamalay-malay na mga kapitbahay, ay may lihim na malawak na hideout kung saan isang batalyon ng mga matatapat na tagasunod ni Gru, isang taong napaka-evil (Steve Carell ng Get Smart, Horton Hears a Who!, television’s The Office) ay pinaplano niyang nakawin ang ating nag-iisang buwan.
Si Gru ay tuwang-tuwa sa paggawa ng lahat ng bagay ng kasamaan. Sa tulong ng kanyang mga armas de giyera na isang arsenal ng shrink rays, freeze rays at battle-ready vehicles for land and air, kaya niyang lupigin kahit sinong hahara-hara sa kanya. Iyon ay hanggang sa dumating sa buhay niya ang tatlong ulilang batang babae na sa kung anong mahiwagang damdamin ay makikita kay Gru ang mga katangian ng isang ama.
Kasama ni Steve Carell sa Despicable Me ang mga komedyante na sina Jason Segel , Miranda Cosgrove at legendary Academy Award winner Julie Andrews .
Ang kompositor ng mga original songs and themes para sa pelikula ay ang Grammy Award-winning artist at blockbuster music producer na si Pharrell Williams.
Ang napakagandang musika ay nilikha ni Academy Award winner Hans Zimmer.
Ang 3-D CGI film na Despicable Me ay hinango sa istoryang sinulat ni Sergio Pablos at ang screenplay ay ginawa nina Cinco Paul at Ken Daurio. Executive producers sina Nina rowan at Sergio Pablos.
Ang Despicable Me ay ipinamamahagi ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation. Palabas na sa inyong paboritong sinehan sa September 1, 2010.