Miss Universe 2010 at 62nd Emmy Awards nasa Kabarkada Network

MANILA, Philippines - Iba kapag sa Kabarkada dahil ang paborito mong primetime ay doble na sa double primetime ng Studio 23.

Simulan ang weekday primetime viewing ng patok na mga Taiwanese series na KO One at Romantic Princess mula 6:00 p.m. hanggang 7:00 p.m. na agad susundan ng 10-minute show­biz at sports updates ni Gretchen Fullido sa The Wrap.

Matapos ito ay tipunin na ang buong tropa pati buong pamilya para sa Barkada Nights kung saan mapapanood ang mga paborito niyong pelikula tulad ng Pedro Penduko 2 (Aug 17), Ex-Con (Aug 18), Feng Shui (Aug 19) at S2pid Love (Aug 20).

Mag-break muna at tunghayan ang mga naging ka­ganapan sa loob at labas ng bansa sa News Cen­tral bago tulu­yang simulan ang ikalawang ba­hagi ng inyong double prime­time treat sa pag-arangkada ng mga pabo­rito mong foreign prog­rams.

Pagpatak ng 9:30 p.m. ay tumutok na sa mga back-to-back US programs na Grey’s Anatomy at Dirty Sexy Money tuwing Lunes; NCIS: Los An­ge­les at CSI tuwing Martes; Legend of the Seeker at Smallville tuwing Miyerkules; Flash Forward at Ghost Whisperer tuwing Huwebes at Desperate Housewives at 90210 tuwing Biyer­nes.

Sasabayan pa ang mga ito ng short-e prog­rams na Cele­britips na maghahatid ng lifestyle tips mula mismo sa paborito mong mga artista; News Bites na mag­hahatid naman ng balita’t im­por­masyon at Quick-E na maghahatid ng pinaka­bagong update sa tech at online world.

Hindi pa diyan natatapos ang handog ng Studio 23, na ngayo’y may bago ng look at logo, dahil da­la­wa sa pinakaaabangan at pinakakinikilalang events sa buong mundo ay mapapanood din dito.

Panoorin ang pagrampa ng pambato ng Pili­pi­nas na si Venus Raj sa primetime replay ng Miss Universe 2010 sa Martes (Aug 24), 9:30 p.m., at alamin kung sino ang papa­ra­ngalan sa 62nd Prime­­time Emmy Awards sa Lunes (Aug 30) sa pareho ring oras.

Mapapanood din ang Miss Universe 2010 via satellite mula Las Vegas, 9:30 ng umaga, sa ABS-CBN. Kasalukuyang ti­nutu­tukan ni Dyan Castillejo ang bawat ka­ganapan sa nasabing pa­geant at ma­tu­tung­hayan ang kanyang mga report sa TV Patrol at Bandila sa ABS-CBN at News Central sa Studio 23.

Show comments