^

PSN Showbiz

Bida ng Outrage enjoy sa 'Pinas

-

MANILA, Philippines - Ang Hollywood actor na si Michael Madsen (Free Willy, Donnie Brasco, Kill Bill) ay nasa Manila ngayon para sa bagong pelikula na Outrage sa imbitasyon ng Filipino actor-writer-director na si Ace Cruz. 

Sa eroplano pa lang sa Los Angeles, California patungo rito sa Pilipinas ay nagulat na ang banyagang aktor sa mga nagpakilalang mga Pinoy dahil nabalitaan ang pagpunta niya sa bansa.

“They said they have heard and read all about my coming here, thanks to Ace I suppose, and they all looked excited. That was such a thrill. It felt good that the Filipinos know of my visit, and you actually expect me in your country. Thank you,” nakangiting kuwento ni Michael.

Ayon naman kay Ace (na nanalo ng best sci-fi movie sa Pasadena Film Festival), nakarating na si Michael dito sa Pilipinas dalawang taon na ang naka­raraan nang mag-shooting ng pelikula ni Cirio San­tiago sa Tagaytay.

Naalala pa nga ni Michael ang masarap na kape habang narito noon (Gourmet’s Philippine Premium Coffee na siya ring naging presentor sa premiere night ng Outrage noong Biyernes). At habang enjoy na lu­mi­libot sa mga TV and radio guestings, type ni Michael na maisingit sa schedule ang pagpunta sa mga magagandang beaches, lalo na sa Boracay, bago siya bumalik sa US sa Aug. 27.

Ang Outrage ay isang sci-fi thriller na may spiritual message, ayon kay Ace. Kasama rin sa cast sina Michael Berryman (Hills Have Eyes), Natasha Lyonne (American Pie), at Pauly D.

“My overall message for the film is summarized in the Law of Attraction. What we have in our hearts is what we attract in our life,” sabi ni Ace na ika-anim na pelikula na ang Outrage.

Ang director na ipinanganak sa Manila at lumaki sa LA ay gumagawa ng pangalan sa US sa ilalim ng kumpanya niyang Spirit Films pero dream pa rin niya na sa Pilipinas bumuo ng pelikula na ipapalabas sa international market. Lahat nang ginagawa niyang pelikula ay nais niyang magkaroon ng pagbabago sa buhay ng taong makakapanood. Ang The Wishing Well ang kasunod na proyekto ni Ace at napili niyang gumanap si Vanessa Hudgens (High School Musical), isang Fil-Am. 

ACE CRUZ

ACE I

AMERICAN PIE

ANG HOLLYWOOD

ANG OUTRAGE

ANG THE WISHING WELL

CIRIO SAN

DONNIE BRASCO

FREE WILLY

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with