You would think na dahil isang magaling, kilala at matagal na niyang iniidolong aktres ang kasama sa pinaka-latest movie niya ay mai-intimidate at hindi na makakaarte si Anne Curtis sa nakatakdang mapanood na In Your eyes kung saan kasama niya ang iniidolong si Claudine Barretto at ang dating boyfriend na si Richard Gutierrez. Pero magugulat ang lahat dahil sa pelikulang ito inilabas niya ang pinaka-mahusay niyang performance in her career.
Walang kiyeme o hiya niyang naipamalas ang character ng isang free spirited, spontaneous at exciting woman na gagawin ang lahat para sa lalaking gusto niya. Napaka-intense at sensual ng mga lovescenes nila ni Richard na maski na ang ina nitong si Annabelle Rama ay nagulat sa kahusayang humalik ng kanyang binata.
Pero kung mahusay na kisser si Richard, pinantayan ito ni Anne – scene for scene at ang resulta ay mga nakakikilig at nakakakiliting eksena na maski na ang mga may pagka-konserbatibong manonood ay mahihiyang tingnan ng buo.
Nag-mature na nga si Anne sa maituturing na napaka-ikling panahon niya bilang isang seryosong aktres. Maaaring isa siya sa may pinaka-magandang mukha at katawan sa mga artistang babae natin ngayon pero ang mga katangiang ito ay tinutumbasan niya ng galing sa pag-arte na nagiging isang perpekto at maapoy na kumbinasyon. Hindi kataka-taka kung makasungkit na naman siya ng isang best actress award.
Si Claudine who attended the premiere showing of the film with husband Raymart Santiago ay nagbigay ng alalahanin sa maraming nanood dahil din sa maiinit nilang lovescenes ni Richard. Mabuti na lamang at madilim sa loob ng sinehan dahil lahat ay gustong makita ang reaksiyon ni Raymart sa mga nasabing eksena.
Marami sa mga katabi kong press ang nagsabi na sana ay hindi na lamang niya isinama ang kanyang asawa. Malaki na ang ipinayat ni Claudine pero malaki pa rin ang dapat niyang tanggalin para hindi malimita sa mga tatanggaping roles at makalaban ng parehas sa mga co-star na tulad ni Anne.
Wala si Richard sa premiere night, abala ito sa Survivor Philippines Celebrity Showdown pero he was ably represented by his parents, Annabelle and Eddie Gutierrez, his siblings Ruffa, Elvis and Ritchie Paul. Andun din ang napakaraming alaga ng kanyang mom bilang talent manager. Wala si Heart Evangelista pero narun sina Carla Humphries, TJ Trinidad, JC de Vera, Danita Paner, Bubbles Paraiso at marami pang iba.