^

PSN Showbiz

Anne at Claudine bigay na bigay sa lovescenes nila kay Richard

- Veronica R. Samio -

You would think na dahil isang magaling, kilala at matagal na niyang iniidolong aktres ang kasa­ma sa pinaka-latest movie niya ay mai-intimidate at hin­di na makakaarte si Anne Curtis sa naka­tak­dang mapanood na In Your eyes kung saan kasa­ma niya ang iniidolong si Claudine Barretto at ang dating boyfriend na si Richard Gutierrez. Pero magugulat ang lahat dahil sa pelikulang ito inilabas niya ang pinaka-mahusay niyang perfor­mance in her career.

Walang kiyeme o hiya niyang naipamalas ang character ng isang free spirited, spontaneous at exciting woman na gagawin ang lahat para sa lala­king gusto niya. Napaka-intense at sensual ng mga lovescenes nila ni Richard na maski na ang ina nitong si Annabelle Rama ay nagulat sa kahusa­yang humalik ng kanyang binata.

Pero kung mahusay na kisser si Richard, pinan­­tayan ito ni Anne – scene for scene at ang re­sulta ay mga nakakikilig at nakakakiliting ekse­na na mas­ki na ang mga may pagka-konserba­tibong manonood ay mahihiyang tingnan ng buo.

Nag-mature na nga si Anne sa maituturing na napaka-ikling panahon niya bilang isang seryo­song aktres. Maaaring isa siya sa may pinaka-ma­gan­dang mukha at katawan sa mga artistang ba­bae natin ngayon pero ang mga katangiang ito ay tinutumbasan niya ng galing sa pag-arte na nagi­ging isang perpekto at maapoy na kumbinas­yon. Hindi kataka-taka kung makasungkit na naman siya ng isang best actress award.

Si Claudine who attended the premiere showing of the film with husband Raymart Santiago ay nagbigay ng alalahanin sa maraming nanood dahil din sa maiinit nilang lovescenes ni Richard. Mabuti na lamang at madilim sa loob ng sinehan dahil la­hat ay gustong makita ang reaksiyon ni Raymart sa mga nasabing eksena.

Marami sa mga katabi kong press ang nagsabi na sana ay hindi na lamang niya isinama ang kan­yang asawa. Malaki na ang ipinayat ni Clau­dine pero malaki pa rin ang dapat niyang tanggalin para hindi malimita sa mga tatanggaping roles at makalaban ng parehas sa mga co-star na tulad ni Anne.

Wala si Richard sa premiere night, abala ito sa Sur­vivor Phi­lip­pines Ce­leb­rity Showdown pero he was ably re­presented by his parents, Annabelle and Eddie Gu­tierrez, his siblings Ruffa, Elvis and Ritchie Paul. Andun din ang napakaraming alaga ng kan­yang mom bilang talent manager. Wala si Heart Evangelista pero narun sina Carla Humphries, TJ Trinidad, JC de Vera, Da­nita Paner, Bubbles Paraiso at marami pang iba.

ANNABELLE AND EDDIE GU

ANNABELLE RAMA

ANNE CURTIS

BUBBLES PARAISO

CARLA HUMPHRIES

CLAUDINE BARRETTO

ELVIS AND RITCHIE PAUL

HEART EVANGELISTA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with