Patrick binawalan na sa showbiz ng tatay

TRUE : Bago matapos ang buwan ng Oktubre, uuwi ng ‘Pinas si LJ Reyes dala ang anak nila ni Paulo Avelino.

Kasalukuyan na raw inaayos ni LJ ang mga papeles ng bagets dahil gusto na rin nitong maka­uwi para makita na ni Paulo ang kanilang anak.

Pinapayuhan pa rin si Paulo na subukang ku­mu­ha uli ng US visa pero parang ayaw na niya dahil ilang beses siyang na-deny kaya hihintayin na lang daw ang pagbalik dito ni LJ.

Patuloy naman daw ang komunikasyon nila at naa-update nito ang nangyayari sa baby nila kaya okay naman daw sila ni LJ.

Balak ni LJ na pabinyagan muna ang baby nila sa Amerika bago sila bumiyahe pauwi ng Pilipinas. Pero pabibinyagan pa rin daw nila pagdating ng baby nilang si Ethan Akio sa ‘Pinas dahil mas mara­ming naghihintay dito na gustong tumayong ninong at ninang.

TANONG : Ayaw na raw ng ama ni Patrick Garcia na pag-artistahin ito para mapalayo sa intriga?  

Pagkatapos ipakilala ni Jennylyn Mercado ang anak nilang si Alex Jazz sa pamilya ni Patrick, mas gusto na raw ng ama ng aktor ang tahimik na buhay.         

Kaya ayaw na nitong magpa-interview si Patrick lalo na pagdating sa kanilang anak dahil mas gusto nitong manatiling private ang kanilang buhay.

Kahapon ay sinilebrayt nina Jennylyn at Patrick ang 2nd birthday ng kanilang anak at ang aktres na raw ang naghanda ng simpleng dinner kasama ang buong pamilya. Pero sa Linggo ay magka­karoon ng malaking children’s party na in-organize ni Cheska Garcia-Kramer. Ipinaubaya na raw ni Jennylyn ang paghahanda ng selebrasyong ‘yun kina Patrick dahil ngayon pa lang nila ito maka­kasama.

TOTOO KAYANG si Gretchen Barretto ang dahilan ng away nina Claudine Barretto at Ange­lica Panganiban?

Sa aming pagkakalkal, nalaman naming naka­rating daw kay Claudine ang mga paninirang sina­sabi ni Angelica laban kay Gretchen at damay daw ang buong pamilya. Kaya si Claudine ang unang nag-react at sobrang nasaktan dahil tinuturing pa naman daw niyang kapatid si Angelica.

Nang malaman daw ni Angelica na nagalit si Claudine, nag-sorry daw ito pati na rin kay Gretchen.

Kahit hindi ganun ka-okay ang magkapatid, na­saktan pa rin daw si Claudine dahil kapamilya na rin nito ang sinisiraan ni Angelica.

TSIKA LANG : Tuwang-tuwa ang actor-direc­tor na si Ace Cruz sa suportang ibinigay sa pre­miere night ng pelikula niyang Outrage.        

Present ang Hollywood actor na si Michael Mad­sen na bida sa pelikulang ito na parang at home na at home na sa ating bansa.

Ang pagta-travel sa ibang bansa ang isa sa naka­hiligan ni Michael at dito sa Pilipinas ang isa raw sa pinakagusto niyang puntahan.

Bago siya bumalik ng Amerika ay balak daw nitong magbakasyon ng ilang araw sa Boracay at si Ace naman ay balak ding gumawa ng pelikula na isu-shoot sa naturang island resort.

Show comments