^

PSN Showbiz

Parang 'In Your Eyes,' magkapatid na aktres na-in love sa isang lalake!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Malakas ang ulan noong Linggo pero dinumog pa rin ng mga tao ang premiere night ng In Your Eyes sa SM Megamall Cinema 9. Nabulabog ang mga tao sa SM Megamall dahil bumulaga sa ka­nilang mga paningin ang mga artista na sumu­por­ta sa pelikula nina Richard Gutierrez, Anne Curtis at Claudine Barretto. Hindi lamang sina Anne at Claudine ang na-sight ng mga tao dahil nakita rin nila sina Ruffa Gutierrez, JC De Vera, TJ Trinidad. Eddie Gutierrez, Annabelle Rama, Ehra Madrigal, Rowell Santiago at marami pang iba.

*    *    *

Ikinuwento ng aking mga informant na as usual, ang fans ang bida sa premiere night ng In Your Eyes dahil sila ang pinakamaingay. Super react daw ang audience sa mga nakakalokang lovescene ng pelikula. Itsurang madilim sa loob ng sinehan, nakatingin sila sa direksiyon ni Ray­mart Santiago habang ipinapakita sa wide screen ang nakakalokang love scene nina Claudine at Richard. Imposibleng hindi raw naka-feel ng selos si Raymart sa maiinit na lovescene at kissing scene ng kanyang misis. Na­ungkat ang isyu ng pag­seselos ni Raymart dahil ina­min niya noon sa Showbiz Central na nagselos siya kay Richard.

*    *    *

Bukas na ang showing sa mga sinehan ng In Your Eyes. Nakakabilib ang sipag nina Anne at Clau­dine dahil naikot nila ang lahat ng mga show ng GMA 7 para sa promo ng kanilang pelikula.

Ang sey ng mga pumunta sa premiere night, sulit ang ibabayad sa takilya ng mga manonood dahil ma­ganda ang pelikula at ibang-iba ito sa mga love story na isinapelikula. May hinala nga na hango sa tunay na buhay ang plot ng In Your Eyes dahil sa convincing na performance nina Anne at Claudine. Hindi na tayo dapat lumayo dahil sa showbiz, dalawang mag­kapatid na aktres ang na-in love sa isang lalake.

Hindi ko na sila papangalanan dahil may kan­ya-kanya na silang mga pamilya pero kung panonoorin nila ang In Your Eyes, sure na sure na makaka-relate sila. Clue? Active pa rin sa showbiz ang magkapatid at ang mystery mhin!

*    *    *

Na-miss ng fans si Papa Joey de Leon dahil wala siya sa Startalk noong Sabado. Hindi naka­rating si Papa Joey sa aming show dahil ma­sama raw ang kanyang pakiramdam. Hindi dapat bigyan ng malisya o ibang kahulugan ang pag-absent niya. Tiyak na babalik siya sa aming show dahil hindi niya matitiis na hindi ako makita nang personal.

*    *    *

May halong panunumbat ang message ni Kris Aquino para sa kanyang biyenan na si Mrs. Annie Yap. Na-hurt si Kris sa mga sinabi ni Mrs. Yap na hindi ito boto sa kanya na maging manugang siya. Nalimutan ni Kris na siya ang unang nagpainterbyu tungkol sa hiwalayan portion nila ni James Yap at bilang ina, natural na ipagtanggol ni Mrs. Yap ang anak. Hindi nga tinupad ni Kris ang kanyang sinabi na hindi siya magsasalita tungkol sa paghihiwalay nila ni James para walang mapanood sa Youtube si Baby James.

vuukle comment

CLAUDINE

DAHIL

IN YOUR EYES

MRS. YAP

PAPA JOEY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with