Pacman sky is the limit ang halaga ng bag na ibibigay kay Marian
Naabutan naming magkatabi at may tinitingnan sa laptop sina Heart Evangelista at Daniel Matsunaga sa breaktime ng taping ng Langit Sa Piling Mo. Hindi nila alam na tinitingnan sila ng press and in fairness, the two looks good together.
Sabi ni Heart, two months na silang break ni Ian Dy nang amining cool off sila, pero walang kinalaman si Daniel sa break-up nila. “We grew apart” ang inirason nito. Sa tsikang sila na ni Daniel, friends lang daw sila at wala siyang napi-feel na may romantic interest ito sa kanya.
Natawa si Daniel sa tsismis sa kanila ni Heart, they go out as friends, pero hindi pa sila lumabas na silang dalawa lang at itinangging siya ang cause ng break-up nina Heart at Ian. Hindi ito aware na nali-link silang dalawa.
Wish ni Daniel na kahit tapos na ang Langit Sa Piling Mo ay mananatili silang friends ni Heart.
* * *
Narinig ng isang columnist na pinagagalitan ng mother ng kanyang BF si pretty young actress dahil gumigimik at madaling-araw kung umuwi. Sabi raw ng mother ng BF ni YA, ‘wag siyang maging pasaway dahil siya (si mother) ang makakalaban nito.
May mga sinabi pa ang mother ng BF ni YA sa dalaga na hindi na namin isinulat dahil mahuhulaan na ninyo ang blind item namin. Makikinig naman siguro si YA kung ayaw niyang magalit sa kanya ang future mom-in-law niya.
On the other hand, hindi kilalang gimikera si YA at madalang itong lumabas, nalulungkot lang siguro ito dahil wala rito ang BF, kaya gumimik.
Nagulat siguro si YA na pati ang paglabas niya ay nakarating sa matinik na ina ng BF.
* * *
Bag na kahit magkano at kahit anong brand ang birthday gift ni Manny Pacquiao kay Marian Rivera. Wala pa sa actress ang bag dahil hahayaan siya ni Manny na mamili kung anong gusto at si Manny na ang magbabayad.
Tamang-tama dahil sa August 21-22, nasa Singapore sina Manny at Marian, kasama ang buong cast ng Show Me Da Manny para mag-taping. Anniversary presentation daw ito ng sitcom at bonus na rin sa cast dahil na-maintain ang mataas na ratings. Sa Singapore magsa-shopping si Marian ng bag na gift sa kanya ni Manny.
Masaya si Marian na pupunta sa Singapore dahil kasama si Dingdong Dantes na guest sa episode ng Show Me Da Manny. Sabi ni Marian, sisingit silang mamasyal ni Dingdong at type puntahan ang Universal Studios doon.
* * *
Talaga palang maganda si Gwen Zamora, one of GMA 7 new contract artists together with Andi Manzano and Ellen Adarna. Siya ang bagong Belo endorser at siya rin ang bagong Faye at makakapareha ni Vic Sotto sa Enteng Agimat. Kailangan nang palitan si Kristine Hermosa dahil magiging manugang na ito ni Vic at si Gwen ang nakapasa sa audition at napili.
Ibinalita na rin ni Gwen na kasama siya sa bagong soap ng GMA 7, ang Grizelda at mas sasaya raw siya ‘pag nasa cast si Aljur Abrenica na crush niya. Kinilig si Gwen nang makita ang actor dahil guwapo at Pinoy na Pinoy ang dating.
Si Andi ang pinsan ni Edu Manzano, pero si Ellen ang co-host ni Edu sa Asar Talo na September na ang airing. Tinanggap nito ang title na Paris Hilton of Cebu at kilala raw niya ang Paris Hilton of Manila na si Princes Violago.
I-introduce sina Gwen at Ellen sa Party Pilipinas sa August 22 at papasok din sila sa Bubble Gang. Mauunang lalabas si Andi sa show dahil this Sunday na siya ipakikilala.
- Latest