Komedyante sinibak sa daily show!
Tsugi na ba ang comedienne host na ito sa daily show na matagal na siyang co-host? Kinuha kasing bagong co-host ng show na pang-female audience ang isang magaling na actress na obviously ay ipapalit sa comedienne dahil hindi naman puwedeng tatlo silang hosts ng show dahil maikli lang ang airing time nito.
Hindi tiyak ang aming source kung ililipat sa ibang show ng istasyon ang comedienne o hahayaang tuluyang lumipat sa kalabang istasyon kung saan may show din siya.
Ang feeling nang nakakaalam sa malapit na pagkawala ng comedienne sa daily show ay hindi nagugustuhan ng management ng network na unang pinasukan ang spiel nito sa show na katapat pa naman ng show nang iiwang network. For sure, hindi pababayaan ang comedienne ng main host ng show nang iiwang show dahil BFF sila.
* * *
Kunwari’y napasigaw si Ogie Alcasid nang malamang ibinalita ni Dr. Vicki Belo na aalis sila ni Regine Velasquez for Los Angeles, California dahil sasamahan niya si Songbird na magpagawa ng wedding gown kay Monique Lhuillier. After i-announce ang kanilang kasal, ayaw na sanang magkuwento ng ibang wedding details si Ogie, pero may nakalulusot pa rin.
Ngayon pa lang, nagso-sorry na si Ogie dahil hindi nila maiimbitahan ang lahat sa kasal nila at sana raw, maintindihan sila ni Regine. Sikreto pa ang date at venue ng kasal na sabi ni Ogie ay “contained.”
Samantala, magsasama sina Ogie at Maestro Ryan Cayabyab sa concert dubbed O.C. at the P.I.C.C. sa Oct. 8 at guest si Noel Cabangon na very honored na makasama ang dalawa.
Nabanggit ni Ogie na No. 1 ngayon sa Hong Kong si Rico Blanco at sikat si Christian Bautista sa Indonesia, pero sa ’Pinas, foreign singers gaya nina Justin Bieber, Lady Gaga, at mga Korean groups ang namamayagpag.
* * *
Mga close kay Kuh Ledesma ang kumumbinse sa kanyang tanggapin ang offer ng GMA 7 na masama sa cast ng Endless Love. Binasa niya ang synopsis ng kanyang karakter, pero hindi niya alam na sobrang bad ang role niya bilang si Jackie Tantoco na ina ni Dennis Trillo.
Wish ni Kuh na hindi magalit sa kanya ang mga fans ni Marian Rivera dahil aapihin niya ito ng bonggang-bongga sa susunod na episode. Nag-suggest siya sa staff na bawasan ang kanyang pagtataray dahil kung hindi, hindi siya sisipot sa taping. Nag-react din ang anak niyang si Isabella sa kontrabida role niya at sabi ’wag nang tumanggap ng ganung role sa susunod.
May isa pang pakiusap si Kuh sa staff, na ’wag gagalawin ang kanyang buhok.
“Sabi ko, you can grab my arm, but you don’t touch my hair,” say ng diva.
Ibinalita ni Kuh na balak niyang magprodyus ng indie film, wala pang pangalan ang film company niya, pero may story at cast na siya. Makakasama niya sina Gina Alajar, Cheri Gil, Nanette Inventor, Tessie Tomas, at dalawa pang aktres.
* * *
Reyna ng Saturday programming ng GMA 7 si Eugene Domingo dahil dalawa ang shows niya sa araw na ito. Unang umeere ang Jejemom na pilot episode mamaya at isang show lang yata ang pagitan at airing naman ng Comedy Bar nila ni Allan K.
Thankful si Eugene sa network, sa writers, at kay Direk Dominic Zapata sa pagbibigay sa kanya nang nakatatawang sitcom na trailer pa lang, nagustuhan na. Colorful ang looks ng show pati ang costume at pagka-jejemon ni Eugene.
Any comment sa Queen of Comedy title na ibinigay sa kanya at kay AiAi delas Alas?
“Pasalamat ako sa mga title na ‘yan, pero okey na sa aking tawaging artista kahit walang title.
- Latest