Simula August 16, sa Primetime Bida ng ABS-CBN, magsisimula na ang Martha Cecilia’s Kristine, isang kuwento ng pag-ibig na namagitan sa mga miyembro ng dalawang pamilyang dalawang dekada ng magkalaban, ang mga Fortalejo at De Silva. Itinatampok sina Cristine Reyes, Zanjoe Marudo, Rafael Rosell, at Denise Laurel.
Ang Kristine ang pinakamahabang novela na naisulat ni Martha Cecilia, may tag-uri ngayong Romance Diva dahil lahat ng novela niya ay mas pinangingibabaw ang romance at ayaw ng tragic ending, mas naniniwala siya sa forever after.
Ito rin ay isang best seller sa Previous Hearts. Ang Kristine pa lamang ay nailagay na sa 53 na libro at nadaragdagan pa. Hindi ito pangalan ng isa sa mga karakter sa nobela kundi pangalan ito ng lugar.
Maraming sexy scenes ang matatagpuan sa mga libro ng Kristine kaya nga hindi pinapayagan ng Romance Diva na basahin ito ng kanyang mga anak pero dahil maaga itong mapapanood sa TV kung kaya ginawang implied ng direktor ang mga nasabing eksena. ‘Di tulad ng unang ginawang telenovela ni Kristine na Eva Fonda, hindi focused ang Kristine sa sexy scenes kundi sa istorya ng pag-ibig involving the four major characters na ginagampanan nina Cristine, Zanjoe Marudo, Rafael Rosell at Denise Laurel.
Balak ni Direk Rory na ilebel ito sa isa pang matagumpay na serye na dinirek niya for two years, ang Pangako Sa’Yo starring Jericho Rosales and Kristine Hermosa.
Pero tulad ni Cristine, ayaw pa-pressure ni Direk, pero naniniwala sila na maabot nila ang level ng Pangako…
* * *
Focused sa kanyang trabaho bilang kongresista si Manny Pacquiao. Una sa mga proyekto nito ang pagpapagawa ng ospital at pag-aangat ng kalidad ng edukasyon ng kanyang mga kababayan.
Happy siya na may asawa na si Krista Ranillo at maski na raw ang asawa niyang si Jinkee shares in Krista’s happiness.
O baka naman sa pagpapakasal nito ay nawala na ang threat sa marriage nila ni Cong. Manny? Whatever Krista’s reason for marrying, everyone hopes that it will put to rest yung matagal nang isyu.
* * *
Sobra ba ka-old fashioned ang ama ni Jennica Garcia na isa ring dating artista? Jigo Garcia, her father ay balitang nag-aalala sa mga roles na tinatanggap ng anak niya. Ayaw nito ng mga kissing scenes pero at this modern age, isa na lamang ordinaryong eksena sa anumang pelikula o TV show ang mga halikan.
Kaya siguro dapat na siyang matutong tanggapin na ito ay bahagi ng trabaho ng kanyang anak na hindi na rin naman menor de edad, lalo’t nag-iisip na rin siyang (Jigo) balikan ang kanyang dating gawain, ang pag-aartista.
Ang maganda sa relasyon ng mag-amang Jigo at Jennica ay napaka-close nila. Kung iisipin na malaki na si Jennica, nasa high school na siya, nang magkakilala silang mag-ama pero hindi ito naging hadlang para hindi sila magkalapit ng husto.
Dapat bigyan din ng papuri si Jean Garcia dahil pinahintulutan nitong magkalapit ang mag-ama.