Wilma Doesnt tsinugi, Iza ipinalit na co-host ni Lucy
TRUE : Isa ng certified Kapuso si Edu Manzano pagkatapos nitong pumirma ng three-year contract sa GMA 7 nung isang araw lang.
Si Edu na ang maghu-host ng bagong game show na Asar Talo, Laging Panalo na magsisimula na sa first week of September.
Ibinalik namin kay Edu ang pahayag niya nung kasagsagan ng pangangampanya na sinabi niyang hindi na siya babalik sa showbiz.
Nilinaw nitong nagsimula lang iyon sa tanong kung babalikan ba nito ang dati niyang programa sa ABS-CBN. Sinagot niyang hindi na. Sa edad niyang 55, sabi ni Edu ay hindi na bagay sa kanya ang magsasayaw sa game show. Sa programang iyon lang siya hindi na babalik, pero tuloy pa rin siya sa showbiz kung meron ngang magandang offer.
“GMA 7 has been very gracious, you know, sa kanilang mga options na ibinigay sa akin and that’s why I think I should make it because I feel that at this point in time na sa ating history na kung kailan lahat po tayo ay kailangang mag-contribute. Hindi ’yung lagi na lang tayo nasa sidelines, I think it’s fine that we all take part in nation building,” pahayag nito.
Aware si Edu na sa kanyang pagbabalik ay maiintriga na naman siya pero maayos ang pagtanggi niyang pag-usapan ang isyung nagkabalikan na sila ni Pinky Webb.
Masaya naman siya ngayon kasama ang kanyang mga anak at araw-araw naman ay inspired siya sa lahat na mga taong naging bahagi ng buhay niya.
TANONG : Totoo kayang pinalitan na ni Iza Calzado si Wilma Doesnt bilang co-host ni Cong. Lucy Torres-Gomez sa lifestyle show ito sa QTV 11 na Sweet Life?
Tikom ang bibig ng mga staff sa pagbigay ng dahilan kung bakit tinanggal si Wilma pero malapit na ngang mag-tape si Iza kasama si Lucy.
Hindi lang namin tiyak kung maayos ba ang pag-alis ni Wilma sa naturang lifestyle show nila ni Lucy.
TOTOO KAYANG muntik na ring maghiwalay ang isang showbiz couple dahil sa madalas nilang pag-aaway?
Naudlot lang ito nang sumali ang aktres sa isang reality show at doon niya napagtantong kailangang ayusin niya ang kanyang relasyon sa aktor. Abangan na lang kung maayos nga ba nila ito o baka matuloy sa hiwalayan pagkatapos ng programang sinalihan ng aktres.
TSIKA LANG : Mamayang hapon ay manunumpa na ang mga bagong opisyal ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM). Si Ogie Alcasid ang pangulo ng OPM.
Manunumpa sila mismo kay President Noynoy Aquino sa Malacañang.
Maraming mga proyektong pinaghandaan si Ogie pero uunahin muna nito ang pagsali ng ilan pang maliliit na entertainers sa naturang organisasyon.
Ipinaliwanag ng OPM head na hindi lang ito sa mga Pinoy recording artists kundi pati na rin sa ilang singers sa lounge, comedy bar, at entertainment club kahit wala pa silang na-record na album.
Mas higit na nangangailangan kasi ng proteksiyon ang mga maliliit na entertainers kaya ipinarating nitong sa lahat na interesadong maging miyembro ng OPM, i-check lang sa kanilang website at puwede nang mag-submit doon ng kanilang membership at magbayad ng P1,000 membership fee.
- Latest