MANILA, Philippines - Ang Youth Olympic Games ay isang bagong sporting event para sa kabataan na naglalayong balansehin ang sport, edukasyon, at kultura para sa kanilang kabutihan. Ang mga laro ay nagsisilbing “catalyst” sa mga naturang bahagi ng buhay kabataan at maging sa Olympic Movement.
Idaraos sa Singapore ngayong buwan ng Agosto, ang pangunahing adhikain nito ay ang bigyan ng kaalaman at karanasan ang mga kabataan base sa mga “Olympic values” na friendship, fair play, non-violence, and a rejection of any form of doping.”
Ang Youth Olympic Games ay naglalayong tipunin ang mga talented athletes sa edad 14-18 mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo upang makilahok sa mga “high-level competitions”. Ngunit hindi lamang sport ang target nito kundi kaalinsabay nito ang pagsusulong ng mga educational programs na nagtatampok sa mga Olympic values, ang mga benepisyo ng sport para sa isang healthy lifestyle, ang mga aral sa social values, at ang mga panganib na dala ng droga at ng “training to excess” at “inactivity.”
Pinaghandaan ng may 3,200 athletes at 800 officials ngayong 2010, ang vision ng Youth Olympic Games ay “to inspire young people around the world to participate in sport and adopt and live by the Olympic values.”
Lahat ng Olympic sports ay gaganapin at may ibang bago na “youth-oriented sports” na ipakikilala pa lamang. Sakop lahat ng 26 sports sa programa ng 2012 Summer Games, pero may “limited number of disciplines” at events lamang.
Kasali ang Aquatics, Archery, Athletics, Badminton, Basketball, Boxing, Canoe-Kayak, Cycling, Equestrian, Fencing, Football, Gymnastics, Handball, Hockey, Judo, Modern Pentathlon, Rowing, Sailing, Shooting, Table Tennis, Taekwondo, Tennis, Triathlon, Volleyball, Weightlifting, at Wrestling.
Ang SOARtv at Solar Sports ang magpapalabas ng mga laro mula Aug. 14 hanggang 26.
Ang mga delegates ay ang sumusunod: Patricia Llena, Weightlifting, Jasmine Alkhaldi, Swimming, Banjo Borja, Swimming, at Francis Alcantara, Tennis.
Ang iba pang delegado natin ay sina Jessie Lacuna, Dorothy Hong, at Jose Gonzales para sa Swimming; at Gelo Alolino, Michaell Pate, Kieffer Ravena, Kevin Ferrer, at Ray Parks sa Basketball.