Kahit umiyak ang anak, 'kidnaper' ng tatay ni Sarah dapat managot

Seen : Umiiyak na nakikiusap kay Sarah Ge­­ro­nimo ang batang anak ni Paulino Mer­cado na huwag nang ituloy ang kidnapping case laban sa kanyang ama. Dapat ipamulat sa anak ng suspect sa pagkidnap sa tatay ni Sa­rah na nag­kasala sa batas ang kanyang ama at may ka­ta­pat na parusa ang kasalanan na ginawa nito.

Scene : Hindi pa handa si Heart Evan­ge­lista na pag-usapan ang break-up nila ni Alicia, Isabela Vice-Mayor Ian Dy. Hurting pa si Heart sa paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend.

Seen : Sina Lovi Poe at Rocco Nacino sa Ca­lauit, Palawan dahil dito ang taping ng Love­bug episode na sila ang bida.

Scene : May mga commercial load na ang ilan sa mga programa ng TV5.

Seen : Ang eksena ni Cesar Montano at ng kanyang bodyguard sa Ilumina. May show­biz career din ang personal assistant ni Cesar.

Scene : Sanggol, Sanggol ang pamagat ng Tagalog version ng Baby, Baby, ang sikat na kanta ni Justin Bieber.

Seen : Malungkot at masama ang loob ni Manny Castañeda dahil hindi na siya kasali sa bagong show ni Sharon Cuneta sa ABS-CBN. Matagal na naglingkod si Manny bilang writer ng weekly show ni Sharon.

Scene : Triplets ang anak ni Eugene Do­min­go sa Mamarazzi, si AJ Perez at dalawang babae na parehong ginagampanan ni Andi Ei­gen­mann. Introducing si Andi sa Mamarazzi.

Show comments