I’m sure, nakatutulong ng malaki sa mga programang nilalabasan nila ang relasyon nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Walang hindi mahilig makapanood ng love story, sa maliit man o malaking screen, lalo’t higit kung ito ay isang real life romance, hindi make believe, kahit ang tampok ay dalawang artista.
Nung Sabado, on national TV, sa programang Entertainment Live na hino-host ng dalaga, pumayag siyang muling ibigay ang singsing sa kanya ng aktor. Isinuot ni Binoe sa kanyang daliri ang kauna-unahang singsing na ibinigay nito sa isang babae.
Ngayon ay aabangan natin kung sa simbahan hahantong ang relasyon nina Mariel at Robin.
* * *
Unlike Binoe and Mariel, mas preferred nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez na maging isang personal na bagay sana ang kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib. Pero alam din nilang they owe it to the public na matagal ding naghintay sa kahahantungan ng kanilang relasyon. Ngayong finally ay naibigay na rin kay Ogie ang annulment ng kanyang kasal kay Michelle van Eimeren, na sa kanyang panig ay matagal na rin namang nakapangasawa ng iba.
Inaayos na ng dalawa ang what most showbiz followers consider will be the wedding of the year sa pagtatapos ng taong ito. Nakapamanhikan na si Ogie sa mga magulang ni Regine at bagaman at wala pa silang maibigay na iba pang detalye sa magaganap na kasalan nila maliban sa baka ang honeymoon ay dito na lang maganap sa ‘Pinas, puwede sa Boracay.
* * *
Sa unang pagkakataon, sabay na magdiriwang ng kanilang kaarawan sina Agua at Bendita. ‘Wag palalampasin ang mahalagang araw na ito sa buhay ng kambal sa Agua Bendita, na gagawing napaka-ispesyal ng kanilang mga magulang na ginagampanan nina Vina Morales at John Estrada, Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa ABS-CBN.
Dalawang magagandang gowns ang ipinagawa ng production para isuot ng mga characters na ginagampanan ni Andi Eigenmann sa kanyang debut on the air.