^

PSN Showbiz

Regine at Ogie, sa Bora lang ang honeymoon

- Veronica R. Samio -

I’m sure, nakatutulong ng malaki sa mga prog­ramang nilalabasan nila ang relasyon nina Robin Padilla at Mariel Rod­riguez. Walang hindi mahi­lig makapanood ng love story, sa maliit man o malaking screen, lalo’t higit kung ito ay isang real life romance, hindi make believe, kahit ang tam­pok ay dalawang artista.

Nung Sabado, on national TV, sa progra­mang En­tertainment Live na hino-host ng dalaga, pu­ma­yag siyang muling ibigay ang singsing sa kan­ya ng aktor. Isinuot ni Binoe sa kanyang daliri ang kauna-unahang singsing na ibinigay nito sa isang babae.

Ngayon ay aabangan natin kung sa simba­han hahantong ang relasyon nina Mariel at Robin.

* * *

Unlike Binoe and Mariel, mas preferred nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez na maging isang personal na bagay sana ang kanilang nala­lapit na pag-iisang dibdib. Pero alam din nilang they owe it to the public na matagal ding naghin­tay sa kahahantungan ng kanilang relasyon. Nga­yong finally ay naibigay na rin kay Ogie ang an­nulment ng kan­yang kasal kay Michelle van Ei­meren, na sa kanyang pa­nig ay matagal na rin namang nakapangasawa ng iba.

Inaayos na ng dalawa ang what most showbiz followers consider will be the wedding of the year sa pagtatapos ng taong ito. Nakapamanhikan na si Ogie sa mga magulang ni Regine at bagaman at wala pa silang ma­i­bigay na iba pang detalye sa magaganap na kasalan nila maliban sa baka ang honeymoon ay dito na lang maganap sa ‘Pinas, puwede sa Boracay.

* * *

Sa unang pagkakataon, sabay na mag­diriwang ng kanilang kaarawan sina Agua at Ben­dita. ‘Wag palalampasin ang mahalagang araw na ito sa buhay ng kambal sa Agua Bendita, na gagawing na­paka-ispesyal ng ka­nilang mga magulang na ginagampanan nina Vina Morales at John Es­trada, Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa ABS-CBN.

Dalawang magagandang gowns ang ipi­na­gawa ng production para isuot ng mga characters na ginagampanan ni Andi Eigenmann sa kanyang debut on the air.  

vuukle comment

AGUA BENDITA

ANDI EIGENMANN

JOHN ES

LEFT

MARIEL ROD

NUNG SABADO

OGIE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with