^

PSN Showbiz

Richard nakulangan sa lovescene nila ni Anne

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Parehong Viva artist ang bisi-bisihang artista kahapon. Sina Anne Curtis at Cristine Reyes na alaga ng Viva Artists Agency at mina-manage ni Ms. Veronique del Rosario-Corpus.

Kahapon pareho silang nagpa-presscon. Parehong big presscon pero magkaiba sila ng project.

Si Anne para sa pelikulang In Your Eyes habang si Cristine sa kanyang primetime show sa ABS-CBN na Martha Cecilia’s Kristine.

Parehong magandang subject ang dalawa. Walang kiyemeng sumagot sa mga tanong.

Kahapon si Anne, maraming kuwento.

Pinilit siya sa issue na nagkabalikan daw sila ni Richard noong mag-shooting sila sa Amerika lalo na nga’t sobrang grabe ang lovescene nila ng dating boyfriend with matching shower scene pa, pero wala raw talagang ganung anggulo.

Nagpaiwan pa raw kasi sila sa States after ng shooting.

Eh ano naman reaction niya sa sinabi ni Tita Annabelle Rama na siya pa rin ang gusto niya for Richard?

“Wow touched naman ako. Kaya nga parati pa rin akong invited sa mga family gatherings nila,” sagot ni Anne na umamin din na more than one year silang hindi nag-usap ng aktor after nilang mag-break noon. Pero ayaw niyang aminin kung ano ang dahilan nang pagkalas niya sa relasyon nila ni Richard. 

At kahit marami silang lovescene sa In Your Eyes, nakulangan pa si Richard. Nag-request pa ito ng shower scene.

“Major meeting yun. Dumating ang mga manager namin. Ako naman as an actress kung kailangan naman, gagawin ko,” katuwiran niya. “Nakita ko ‘yung result sa trailer, worth it naman. It was worth the extra hours of working na pati kami naloka, 3:00 kami natapos,” she added.

After daw ng eksena, nag-text pa sa kanya ang ka-partner ng aktor para magpasalamat.

Dahil sa sobrang daring, feeling ni Anne magseselos ang balitang boyfriend niya na si Erwan Heussaff. “Kahit naman siguro ako, pag may ganun, magseselos ako.”

Pero as much as possible, ayaw niyang pag-usapan ang boyfriend dahil hindi naman daw ito showbiz.

Tungkol naman sa sampalan scene nila ni Claudine Barretto, ayon kay Anne, “ibinigay ko ang best sampal. Sabi naman ni Ate Claudine, ‘ok lang baby, tama ‘yun.”

Inalagaan daw kasi siya ni Clau sa shooting nila.

Showing na sa August 18, 2010 ang In Your Eyes for GMA and Viva Films.

* * *

Kahit parehong walang sabit sina Cristine Reyes at Zanjoe Marudo, parang hindi pa sila nagkaka-inlaban habang nagti-taping ng Martha Cecilia’s Kristine.

Say kasi ni Cristine, ayaw muna niyang ma-in love after na maudlot ang sana’y relasyon nila ni Rayver Cruz.

Si Zanjoe sana ay free na dahil alam na ng buong mundo na gustong pakasalan ni Robin Padilla ang dati niyang GF na si Mariel Rodriguez. Pero muk­hang wala rin sa bokabularyo ni Zanjoe ang ma-in love muna.

Ang dialogue nila pareho, saka na muna ang pag-ibig.

Oki, fine.

ANNABELLE RAMA

ANNE CURTIS

ATE CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

CRISTINE REYES

IN YOUR EYES

MARTHA CECILIA

NAMAN

PAREHONG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with