Kasal ni Krista, Jewish style!; Kris inagaw si James kahit buntis ang GF

Seen : Ang lumabas na katotohanan na alam ni Kris Aquino na buntis ang non-showbiz girlfriend ni James Yap nang magsimula ang kanilang relasyon noong 2005.

Scene : Off-limits sa media ang kasal ni Krista Ranillo kay Niño Lim sa Hotel Maya noong Linggo, August 8. Ang pagpapakasal ni Krista sa kanyang Fil-Am boyfriend ang nagbura sa mga tsismis tungkol sa alleged affair niya kay Manny Pacquiao. Tumagal ng kalahating oras ang Jewish-style wedding nina Krista at Niño.

Seen : Ang TV interview kay Venus Raj ng foreign press sa Los Angeles, California. Nawawala sa sarili si Venus dahil nahahaluan niya ng wikang Pilipino ang kanyang mga English statement.

Scene : Tinalo ng Showbiz Central sa rating ang The Buzz noong Linggo. Inabangan ng manonood ang exclusive interview ng Showbiz Central kay Mrs. Annie Yap, ang ina ni James Yap.

Seen : “Ma Boy ( short for My boy ) ang term of endearment ni Tim Yap kay Rocco Nacino. Nali-link sa isa’t isa sina Tim at Rocco.

Scene : Naka-confine sa ospital si Claudine Barretto dahil sa lagnat, ubo at sipon. Hindi nakasipot si Claudine sa Showbiz Central noong Linggo.

Seen : Ang mga haka-haka na hindi magtatagal ang relasyon nina Mariel Rodriguez at Robin Padilla.

Scene : Over-whelmed si Ogie Alcasid sa mga congratulatory messages na kanyang natatanggap dahil sa announcement na magpapakasal sila ni Regine Velasquez bago matapos ang 2010.

Show comments