Mga sentimiyento ng ibang artista sa Internet pa dinadala

Bakit kaya sa halip na mag-usap ng personal, people resort to the internet to air their sentiments at mapaliwanag ang kanilang side. Bakit kaya hindi na lamang sila mag-usap-usap para maayos ang lahat? Of course, I’m referring to the isyu between Cesar Montano and his manager of 26 years.

May nagkuwento kasi sa akin nung tweet na gina­wa ng maybahay ni Cesar na si Sunshine Cruz bilang pagtatanggol sa naging desisyon ng ak­tor na pag-alis sa ABS-CBN at pagpirma ng kon­trata na sinasabi ng manager niya na wala itong pa­hintulot. Baka naman hindi ang paglipat niya ang isyu, kundi ang pagkakaroon ng third party sa gina­wa niyang paglipat? Baka nainsulto ito at napahiya dahil may nilalakad itong trabaho para sa iyo sa kabila pero ang pinahalagahan mo ay ang ibinigay ng iba.

Nangyari na kasi sa akin ito. Isa sa tinutulungan ko at talagang pinagsikapang hanapan ng trabaho sa GMA ay sa ibang istasyon tumuloy at pumirma ng trabaho sa tulong ng isang tao na tumayong ba­gong manager niya. Siyempre, napahiya ako sa GMA kaya nagalit ako sa artista at ilang taon ding nagtagal ang galit ko. Pero ngayon okay na kami pero bago ito nangyari, I hope na na-realize ng ar­tista ang pagsisikap na ginawa ko para sa kanya na hindi niya pinahalagahan.

*   *   *

O tingnan mo nga naman at nagpapakitang gilas ang inaanak kong si KC Concepcion na tala­gang hindi ko mapapaniwalaan na magaga­wang magpa-ban ng press sa kanyang dressing room. Hindi ganun ang pagkakakilala ko sa kanya, na­pakabait niyang bata.

Kindhearted itong anak ni Megastar Sharon Cuneta, kapag su­mama ang loob nito, iiyak na lang.

Samantala, ang isa sa mga komposisyon niya na kasama sa kanyang last album, ang Takipsilim ay siya mismo ang nagdirek ng music video na ginawa.

Ganyan nga KC, gulatin mo sila sa maraming bagay na magagawa mo.

*   *   *

Sana nga, mahuli at mapanagot ni Piolo Pas­cual ang may gawa ng tweet na nakasakit ng ma­laki kay KC Concepcion gamit ang pa­ngalan ng kan­yang anak. Kapag nangyari ito, wala nang mag­sasalita ng masama at pagka­tapos ay mag­tatago sa likod ng mga account ng maraming tao sa internet. 

Nasa bansa at nagbabakasyon sa kasa­lukuyan ang anak ni Piolo at naawa siya dahil napakabata pa nito para masangkot sa mga ganitong bagay. Kaya gagawin niya ang lahat para mabigyan ng hus­tisya ang bata at maparusahan ang may sala. 

Show comments